[54] - Twisted Awakening

241 12 16
                                    

Conflict Fifty-Four

~A/N : The word 'Sehrli' in this chapter ay galing sa isa sa mga inaabangan kong story--- The Princess Bride ni @pajama_addict -nim. Hohoho~ :) So credits for her love love love love.

Btw. Hindi ko na 'to na-proof read dahil naghahang yung phone ko. Siguro sa haba ng chap na 'to o baka may saltik talaga 'tong phone :D

~

Panaka-nakang naglalakad si Anjie sa pasilyo ng mansion ni Chedric. Hindi niya kasi alam kung saan ba siya pupunta. Basta ang alam niya lang ay hinahanap niya ang silid ni Lee.

"Anj? May problema ba?" May lalakeng nagsalita sa likuran niya. Ngumiti siya dito.

"Oo eh. Gusto ko kasing kamustahin si Lee."

Napakuyom naman ng kamao si Shou at saka kunwareng natawa nalang. Pero sa totoo lang ay napaka-sarkastiko nun.

Si Lee na naman?! Lagi nalang yung lalaking yun! Anong meron ba ang lalaking yun na wala ako? Mas sweet at komportable naman kami ni Anjie sa isa't isa at isa pa.. matagal na kaming magkakilala. Kahit may isa pang Shou.. alam kong mas malapit sakin si Anjie kaya akin siya!

Kunwaring ngumiti si Shou kahit hindi naman siya nakikita ni Anjie.

"Okay lang siya. Gigising din yun mamaya." Nakangisi niyang sabi. Pero puno na siya ng pagpipigil na hilahin nalang nang basta-basta ang babae sa harap niya.

"Ah. Salamat naman. Pero gusto ko parin siyang makita. Nasaan ba yu----"

"HINDE!"

Nagulat naman si Anjie sa ginawang pagsigaw nito. Nagtataka niyang pinakiramdaman ang presensya ng matalik na kaibigan. Mabibilis at malalalim ang paghinga nito. Yung tipong nagpupuyos ng galit.

"S-Shou? What's wrong?" Halos impit nalang ang boses niya nang itanong yun. Hindi naman kasi siya makapaniwala. Sa pagkakaalam ni Anjie ay wala siyang ginagawang masama para magalit si Shou!

Doon naman natauhan si Shou. Napakagat siya ng labi at saka pumeke nalang ulit ng tawa.

"Ahaha! Nako may naalala lang ako. Ang weird ko ba? Sorry ah, mukhang nabigla kita Anj. Tara, samahan mo nalang ako." Yaya niya kay Anjie at saka na niya ito hinawakan agad sa kamay.

Para namang napaso si Anjie.. parang ayaw niyang sumama dito. Parang kusang nagdesisyon ang katawan niya.

"Ayoko. Next time nalang. Babantayan ko muna si Lee." She said. Which made Shou clenched his jaw. Pero kinalma niya ulit ang sarili niya---less those anger in his eyes dahil hindi niya matanggal tanggal yun.

Nagkunwari siyang malungkot.

"Hayy.. sayang naman. May surpresa ako sayo. S-Siguro.. next time nalang noh? Gaya ng sinabi mo."

Pagkatapos ay marahan niyang binitawan ang pagkakahawak kay Anjie. Bago ito umalis ay hinalikan niya muna ito sa pisngi. Parang nangilabot pa nga si Anjie dahil pakiramdam niya ay may kakaiba na kay Shou.

Marahil ay sobrang nadisappoint lang talaga ang kaibigan niya. Sigiro ay ganoon nga kaya iba ang aura nito.

Nagdadalawang isip man ay tinawag niya si Shou at saka nagsimulang maglakad.

"Shou! Sandali!"

Napangisi naman si Shou. He turned to face this little goddess and reached for her with a hug. He even sniff her fragrance. He suddenly felt a greed to take her with him only kaya naman ay kinulong niya si Anjie sa mga braso niya. Mahigpit at mapang-angkin.

Sisters' Conflict {BTS Fanfic}  → Triplets' Conflict  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon