[30] - That's not love

399 21 13
                                    

Conflict Thirty

~

Hayy. Sana man lang nagbigay din ng pogi tips si bespren sakin. Nakakakaba kaya 'tong sitwasyon ko!

-

[ Ralph ]

"Ahmm.. Jibril, gutom ka ba?"

Umiling siya at patuloy parin sa pagtirintas sa mahaba niyang buhok.

"Eh gusto mo bang maligo?"

Umiling ulit siya and this time pinaikot niya ang buhok niya. Mas lalong nadepina yung features ng mukha niya. Natulala pa nga ko nung makita ko yung leeg niya. Makinis at maputi. Parang ang sarap tuloy pisilin.

Huminga ako saka napangiwi dahil sa naiisip ko.

"Eh gusto mo bang matulog sa tabi ko---este sa kama ko pala!" Napakamot nalang ako sa batok ko. Hanuba 'tong mga sinasabi ko. Baka mamaya mabasted ako ng wala sa oras ni Jibril eh.

Tumingin ako sa kanya at natulala naman ako nung makita ko siyang nakangiti sa direksyon ko. Mabilis akong napahawak sa dibdib ko. Baka mamaya atakihin ako sayo Jibril tapos di ko mapansin!

"Wag kang masyadong mag-alala sakin Mr. Stalker. Sige ka babastedin kita."

Halos malaglag naman ako sa sahig nung sinabi niya yun. H--Hindi nga? Kanino siya nagmana ng ganyang kaprangkang mga salita? Ayaw man lang ba niyang bumwelo ako? Ang hirap ah!

"Uyy ikaw Jibril ah! Di kita nililigawan!" Defensive na kung defensive. Lumulubog ako sa kahihiyan sa mga paandar niya eh.

"Ayy.... H-Hindi ba?"

Nganga na naman ako sa kanya. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Bigla siyang nalungkot----Anong gagawin ko?

Ilang segundo ako sa kanyang tumitig pero sadyang perpekto talaga siya sa paningin ko. Hayy.. Napakamot ulit ako sa batok and this time lumapit ako sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung bakit ko ginawa yun.

Kaya nung centimeters away nalang ako sa kanya, bigla akong naconscious.

"Bakit ka lumalapit?" tanong niya. Kulang na nga lang mangisay ako dahil sobrang natakot ako kasi alam niyang lumapit ako! T__T

"A---Ah ano.. Nasa tabi mo kasi yung unan ko. Kukunin ko sana." Kunwaring sabi ko nalang. Pero totoong may unan sa tabi niya.

"Ganun ba? Osige, kunin mo na."

"H--Hah?"

"Sabi ko kunin mo na dali." Tapos gumilid siya. Nangiti nalang ako sa kanya.Hayy.. feeling ko masyado pa siyang bata para sakin.

Inabot ko nga yung unan at saka pinatong sa hita ko. Wala eh, gusto ko magkamoment kaya marahan ko siyang hinatak pahiga sa lap ko.

"Tulog ka na. Gabi na oh."

Humarap siya sakin at saka ako nginitian. "Sabing ayaw ko pa po matulog eh." Mahinahon niyang sabi at saka huminga ng malalim.

"Ayaw mo? Sige, kukwentuhan nalang kita."

"Talaga? Tungkol saan?"

"Hmm.. Gusto mo ba tungkol sa kuya mo?"

Sumaya ang aura niya dahil sa sinabi ko at mabilis siyang napaupo sa tabi ko. Pinagmamasdan ko lang siya. Kung papaano siya kumilos. Pero nanlaki ang mata ko nang maramdamang hawak niya na ang braso ko.

Sisters' Conflict {BTS Fanfic}  → Triplets' Conflict  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon