Conflict Forty
~
Nakataas ang kilay na pinagmamasdan ni Anrielle si Jessah na cool chick kung maka sandal sa likod ng sasakyan.
-
"Like duh. Mas bata at mas kaya maganda ako sa kanya." Pabulong na sabi niya saka pumasok sa sasakyan, sa bandang gitna siya umupo kung nasaan si Vlad na busy sa kakapunas dun sa isang babaeng may mahabang pulang buhok na di niya kilala. Nilalagnat kasi ito at parang nanghihina.
"Vlad baby, okay na ba siya?" Tanong ni Anrielle saka dumukwang sa mukha ni Vlad. Kita niyang pinagpapawisan ito kaya iniangat nya ang blouse niya para punasan ang pawis ng binata.
Pagka-damping pagka-dampi ni Anrielle sa pawis na noo ni Vlad ay mabilis na napalingon sa kanya si Vlad.
"Woah..." Natulala si Vlad dahil makinis na bewang lang naman nito ang nakita niya pati ang ilalim ng baby blue brassiere ni Anrielle. Careless girl. Tsk. Tsk. Sabi niya sa sarili at saka mas pinili nalang pumikit. He's not gonna take advantage to sweet girls like her.
Habang si Anrielle naman ay nakangiting pinupunasan na parang baby si Vlad. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman simula ng masilayan ang gwapong mukha ni Vlad. Gumaan ang loob niya at parang may fireworks sa paligid. Oa nga eh, pero tinanggap niya nalang. Bakit? Chu-choosy pa ba? Eh gwapo hot at gentleman na yan oh. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng panggigil kay Vlad lalo na ng maamoy niya ang masculine scent nito. Nakakaaddict lang talaga. Sobra.
Ibinaba niya na ang damit at saka ngumiti kay Vlad.
"Pwedeng payakap?" Tapos nagpacute pa siya. Para mas effective. Umiling iling si Vlad sa ginagawa niyang pag-puppy eyes.
"Hay nako Anrielle. Kanina mo pa nga ko niyayakap eh, Di ka pa ba sawa? At saka.. hindi maganda sa babae ang ganyan. Halika nga dito.." Hinawakan niya sa braso si Anrielle at saka sinandal sa balikat niya. "Bata ka pa Anrielle and your actions are not for your age. Dapat ang katulad mo ang binibigyan ng pansin at interes, hindi yung nagpapakita ng motibo. Ayan.. itong mukhang 'to ay parang baby na dapat inaalagaan, okay? Wag kang masyadong dikit ng dikit sa lalaki, pano kung abusuhin ka nila diba o kaya bastusin. Aba, mahirap na!" He tapped Anrielle's head at saka siya bumuntong hininga.
Kaso natameme siya nang maramdaman niya ang marahang paghalik sa kanya ni Anrielle sa pisngi. "Don't worry Vlad, sayo ko lang naman lahat ng 'to." She moved again and kissed his cheek a lot of times.
Hindi na nakaimik si Vlad dahil pinamulahan na siya ng mukha.
Samantala ... ang maangas na babaeng nasa driver's seat at napahawak ng mahigpit sa manibela.
"That smell... " Naiwan sa ere ang sasabihin niya. She felt so empty. Para syang bagong silang sa mundo na kahit ang paghinga ay nangangapa siya. But then, there is something about him... kay Vlad. Pakiramdam niya ay siya ang kasagutan pero alam niyang wala siyang makukuha rin sa binata.
"Hey." Napalingon siya sa babaeng nasa tabi niya. Seryoso ang mukha nito at halata ang pagiging pormal nito. When you looked at her, para siyang isang Greek Goddess.
"What?" Maangas na sagot niya.
"I feel like I don't exist." Wala sa sariling sagot ng babaeng ito.
"Does it matter? Ang mahalaga nalang ngayon ay manatiling buhay. No matter what." Pinilig niya ang ulo at saka pinagmasdan ang mga matang may makapal na eyeliner sa rearview mirror.
"Pero, paano ka pa magpapatuloy mabuhay kung wala kang alam kung sino ka?" Pormal parin na pagsasalita nito. She just shrugged and looked away.
Namayani na naman ang katahimikan. Parehas silang tulala hanggang sa may maaninag silang papalapit na babae sa kanilang sasakyan.
She's wearing a white dress with a green lace on her waist. Maikli ang buhok nito at kulay green. She looked like a girl-next-door.
Nagtanginan ang dalawng babae sa unahan at saka sabay na binalingan ng tingin ang babae sa labas.
Pero nagulat sila nang makitang nakadungaw na ito sa harap ng kotse. Sumenyas ang babaeng iyon na lumabas sila kaya ginawa nga nila.
"Hi." Nakangiting sabi ng green hair na babae sa kanila. "Hello ate Yanel.." Sabi niya sa maangas na babae. "Hello ate Elisha.." Baling niya sa pormal na mala-Greek na babae.
Nagtaka naman ang dalawa.
"Who are you?" Sabay nilang tanong. Nginitian lang sila ng babaeng yun at saka ito patakbong kumapit sa magkabilang balikat nila para yakapin sila ng mahigpit.
"I missed you both.. it's me, your step-sister. Celestine Kaylee Laundrize."
"What? Step-sister... k-kapatid kita. Ibig sabihin.. kilala mo ko! Matutulungan mo ko sa mga memories ko!" Hindi mapigilang mapalatak ni Yanel. "Astig!" Nagtaas pa siya ng kamay.
"Yeah. But I won't be here long. May kailangan lang akong gawin sa inyo. Alam kong late na 'to pero after ng gagawin ko.. umalis na kayo dito." Sabi ni Celestine.
"What do you mean by that Celestine?" Pormal parin ang boses ni Elisha.
"It's a long story Eli. Basta kailangan nating bilisan kung hindi.. matutunton nila kayo." -Celestine
"Nila? Yun ba yung tinakasan namin ni Vlad kanina?" Paninigurado ni Yanel. Sa pagkakaalam kasi niya ay nagmamadali sila noon na umalis sa isang building.
Natigilan naman si Celestine sa narinig niyang pangalan. Mabilis na bumuhos ang mga alaala sa kanyang isip. Napakagat pa siya ng labi at pakiramdam niya ay mabilis na kumirot ang dibdib niya. Dang!
Pero napailing siya. Maraming may ganoong pangalan. Imposibleng siya yun. Dahil tanging siya lang sa mga Laundrize ang nagkaroon ng koneksyon kay Vlad ilang taon na ang nakakaraan. Oo tama.Malabong mangyari yun. Hindi yun ang lalaking kilala niya.
"Nasaan na yung iba nating mga kapatid? Sina Christine? Yung kakambal mo Elisha, si Patrisha? Nasaan sila?" Pag-iiba ni Celestine sa naiisip niya.
Nakita niyang napakunot ang noo ni Yanel. Si Elisha naman ay parang ninanamnam pa na may kakambal siya.
"Ibig sabihin.. kapatid natin yung nasa loob ng sasakyan?" Mahinang sambit ni Yanel. Dahil dun napakaripas sila ng takbo sa sasakyan. Sakto namang naglalakad papalapit sa kanila si Jessah. Tinaasan sila nito ng kilay at saka balewalang binuksan ang pinto ng sasakyan para pumasok.
Sumunod din sina Elisha.
"Uy, gutom na ba kayo? Si Anrielle at Christine daw gutom na eh." Pumailanlang ang husky na boses ni Vlad sa loob ng sasakyan at doon nanginig sa kaba si Celestine.
Sht.
Napalunok siya ng madiin at parang ayaw na gumalaw ng katawan niya. Natatakot siya makita mismo ng mga mata niya ang katotohanan.
"Celestine? Ayos ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Elisha. Napakislot siya sa pagkabigla dahil dun.
"O-Okay lang ako. Okay lang." Mabilis nyang tugon. Naguluhan si Elisha sa inasta ng kapatid pero hinayaan niya nalang. She finds it non sense kung magtatanong pa sya.
Naalarma naman si Vlad sa sinabing pangalan.
"Celestine? Sino yun?"
Nanlaki ang mata ni Celestine. What? He doesn't know me? Masyado bang masakit kaya kinalimutan niya na ko? Iyon ang paulit ulit na gumulo sa isipan ng dalaga.
--
BINABASA MO ANG
Sisters' Conflict {BTS Fanfic} → Triplets' Conflict (On-Going)
Teen FictionBook 1: Sisters' Conflict Book 2: Triplets' Conflict Book 3: - - -