Conflict Thirty-Seven
Part 1
~
Tangnang tumawag yun! Mura-murahin daw ba ko?!
SA GWAPO KONG 'TO... MINUMURA NIYA LANG AKO?
Dapat sakin.. minamahal eh!
-
Binaba na nung fvck-boy yung tawag. At medyo gigil siya ah. Akala ko pa naman makakahingi ako ng tulong na, tabang na, tayo na tee shirt sa kanya. Lul. Pero yawa lang dahil minura niya ko! Isang kalapastanganan sa kagwapuhan kong minana ko pa sa mga Dios ng Olympus!
Narinig kong nagbukas yung pinto ng kotse kaya napalingon ako dun.
Nakita ko yung anghel na babae na hinihimas ang tyan niya.
"Uy Miss, buntis ka?" Tanong ko pa sa kanya. Nanlaki yung mata niya at saka napanguso. Ah shet kyut mga dre!
"Gutom na ko Vlad." Maamo ang boses na sabi niya sakin. Feeling ko tuloy kung magiging singer tong babaeng to.. sisikat agad. Ganda ng boses eh. Parang hulog ng langit!
"Ganun? Ako rin gutom na. Sorry ah. Hindi ko alam kung pano mangunguha ng pagkain. Gusto mo bang samahan ako maghanap?"
"Anong kakainin natin?"
"Kahit ano? Baka may mga puno dyan na may bunga. Pwede na yun."
"Sige." Nauna na siyang lumabas sa sasakyan habang ako naman ay nilagay sa kamay nung babae yung cellphone niya. Siya daw si Witch. Okay sa pangalan ah.
Aalis na sana ako nang marinig kong tumunog ulit yung cellphone. Kinuha ko at sasagutin na sana yung tawag ulit ni Zachy baby nang makita kong magsha-shut down na yung phone.
Eh? Lowbat na? Sayang naman.. mumurahin ko pa sana yung fvck-boy na yun eh. Di bale, next time nalang.
"Vlad? Tara na.." Nakita kong dumungaw si angel girl sa bintana. Napangiti nalang ako. Eh kasi naman.. magandang tunay ang babaeng 'to! Moment na 'to oh!
Naglakad lakad kami dun sa kung saan. Akala ko naman pure gubat dito yun pala kalsada na sa bandang likod.
"Ayun Vlad! May tindahan dun oh." Mahinhing sabi ni angel girl dito satabi ko kaya nung napatingin ako sa kanya.. hindi ko naman inaasahang para siyang kumikintab sa paningin ko! Hala husko Lord!
"S-Sige.. h-hehe. Tara na." Medyo utal na sagot ko sa kanya. Pero laking gulat ko nung maramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko. Saka ako marahang hinila.
"Dali, bili na tayo Vlad..."
Napahawak ako sa dibdib ko.. parang may mainit na tubig ang pumalibot sa dibdib ko. Ang sarap sa pakiramdam. Yung tipong masaya ka dahil parang tanggap ka na ng isang tao na kinaaayawan ka dati? Well, ganun ang eksplinasyon ko sa nararamdaman ko ngayon.
Hinawakan ko rin siya sa kamay pabalik at saka nakisabay sa paglalakad niya.
Nang makarating kami sa tindahan ay napangiwi ako. Ang itim kasi nung nagbabantay. Hindi naman sa nang-dedegrade ako ng tao pero sadyang di ako makapaniwala na ganun nga ang kulay niya. Akala ko ba, kayumanggi ang mga Pilipino... eh bakit mukhang takas sa Africa 'to?
"Pabili po, Ate.." Maamong sabi ni angel girl sun sa tindera. Inasiman naman siya nun ng mukha at saka parang pinagmasdan pa siya mula ulo hanggang paa. Tsk. Mukhang nainsecure pa si Ateng tindera.
"Ano yun?!"
Ayan! Ayan na nga bang sinasabi ko eh! Tinarayan niya na ang anghel ko. Abaaa! Di tama yan.
BINABASA MO ANG
Sisters' Conflict {BTS Fanfic} → Triplets' Conflict (On-Going)
Teen FictionBook 1: Sisters' Conflict Book 2: Triplets' Conflict Book 3: - - -