UNANG TAGPO

792 61 50
                                    

UNANG TAGPO

ETHAN'S POV

Magkikita kami ni Josh para sa isang business meeting. Kasama niya ang taong pagsasanlaan ko ng kotse ko dahil yun lang ang naisip kong paraan.

"Hello Josh. Nasan ka na bro??" tanong ko

"Meet me at the church bro. Sobrang tindi ng traffic. Hindi umuusad. Badtrip!" sagot naman ni Josh

"Call me when youre here." sagot ko bago ibaba ang phone

Ilalagay ko na sana sa bulsa ko ang phone ko ng may biglang humablot nito

"Heeeyyy! Snatcher!" sigaw ko sabay habol sa lalaking humablot ng cellphone ko.

Sobrang bilis niyang tumakbo mabuti na lang at may nakita akong dalawang pulis na mas malapit sa snatcher.

"Policeee! Snatcher!" sigaw ko sa dalawang pulis sabay turo sa lalaking tumatakbo pa rin

Mabilis namang hinabol ng dalawang pulis ang lalaki pero hirap na hirap silang habulin ito.

Nakita kong hinagis nito ang cellphone ko.

Sa dami ng tao at mga tumatawid ay hindi na namin naabutan ang lalaki.

Pinuntahan namin ng pulis ang lugar kung saan hinagis ng mandurukot ang cellphone ko at kitang kita kong hawak ito ng isang babae.

"Ayan Sir. Malamang kasamahan yan ng snatcher!" galit na sabi ko sabay turo ko sa babae

"Ito ba ang cellphone mo?" tanong sakin ng isa sa mga pulis

"Opo ayan nga." sagot ko.

"Miss. Sumama ka samin sa presinto" sabay hawak sa babae

"Teka teka! kuya. Wala kong kinalaman diyan." pag tanggi ng babae

"Sa presinto ka na magpaliwanag." sabay hawak sa braso ng babae

"Teka naman Sir. Wala talaga kong kinalaman diyan. Sandali lang. Bakit ako ang hinuhuli niyo" pag tanggi ng babae habang sinusubukang magpumiglas.

Pag dating sa presinto

Tinawagan ko si Josh para sabihin kung nasaan ako. Sumagot naman siyang dito na lang dederetso dahil mas malapit ito sa lugar kung saan siya naipit ng traffic.

"Miss. Umamin ka na kasi. Huling huli ka na eh" pagpupumilit ng pulis

"Sir. Hindi ko nga kasama nung snatcher na yun. Hindi ko nga kilala yun."

"Pinasa sayo yung cellphone eh" sabat naman ng isang pulis

"Ang kukulit niyo naman eh." muling pag tanggi ng babae

"Kitang kita namin na hawak mo yung cellphone."

"Eh kasi nga hinagis sakin. Nabigla lang din ako. Wala kong kinalaman sa cellphone ng foreigner na yan." matapang na sagot ng babae

"Talaga lang ha? If i know ganyan naman talaga ang gawain niyo dito sa quiapo thats why youre always on the news." singit ko

"Hoy hoy. Ikaw lalaki. Wag mo nga kong dinadaan sa english mo ha. Unang una. Wala kong maintindihan. Pangalawa, wala akong pake." masungit na sagot ng babae

"Aba! At ikaw pa talaga ang matapang ha. Ipakukulong talaga kita."

"Sussss. Ganyan naman kayong mga mayayaman e. Walang ginawa kundi magpakulong ng inosente. Naku. Nag sasayang lang kayo ng oras dahil maling tao ang hinuli niyo. Wala kong alam diyan. Inosente nga ako."

"Inosente?? Wowww. Big word!"

"Teka teka. Gagawan ba natin to ng police report o magbabangayan lang kayong dalawa?" tanong ng mamang pulis

"Eh kayo rin naman eh. hindi niyo alamin mabuti yung katotohanan. Dampot na lang kayo ng dampot." matapang na sagot ng babae

"Oh diba Sir. Matapang talaga. Huling huli na eh. Pati kayo inaano." singit ko

"Totoo naman e. Naturingan pa naman kayong pulis. Idol ko pa naman si Cardo ng Ang Probinsyano. Tapos sa totoong buhay ganyan pala kayo."

"Hoy miss. Wag mo nga kaming paandaran ng pagiging Jologs mo." sagot ko

"Hoy tisoy. Hindi jologs yon! Yung si Cardo bumili yun ng anting anting ko. Kaya nga di mapatay patay eh." parang baliw na pagmamalaki ng babae

"Oh isa pa yan. Illegal yang ginagawa mo na yan diba?? Illegal vendor ka." sagot ko

"Hoy wag mong pinapakielaman pati pag titinda ko. Dugo't pawis puhunan ko dun no."

"Dugo't pawis eh wala nga kayong ginawa kundi manloko ng mga tao." galit naman na sagot ko

"Wooow! Hugot!!! Bakit? Naloko ka na ba?" nang aasar na tanong nito

"Hoy para sabihin ko sayo ako yung taong hindi nagpapaloko. Hindi ako gaya ng mga nabibiktima mo. Wais to."

"Oh talaga ba? bakit galit ka sa manloloko?"

"Dahil naaawa ako sa mga taong inaabuso niyo."

"Wow naman. Maka abuso ka naman. Kayo nga tong mapang abuso saming mga mahihirap na wala namang ibang ginawa kundi mag hanap buhay."

"Hanap buhay ba ang tawag mo dun? Yung pinapaasa mo yung ibang tao. Gayumang hindi effective?? Pangpa buntis na wala namang kwenta???" sagot ko

"Walang kwenta? Na try mo na ba? Baka bumili ka kasi sa iba." nang aasar namang sagot ng babae

"Para sabihin ko sayo hindi ko kailangan niyang gayuma o anting anting mo."

"Wow naman talaga. Poging pogi! PPSS Poging Pogi Sa Sarili. Ang hanginnnn."

"Aba talaga namang... nang aasar ka ba ha?"

"Bakit naasar ka ba? Iyak ka na."

"Ikaw ang umiyak dahil ipapakulong talaga kita. Para mag tanda ka."

"Excuse me lang. Mawalang galang na sa inyong dalawa no? Baka pwedeng kami naman ang kausapin niyo?" singit naman ng pulis

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon