RULES!

628 71 60
                                    

RULES!

Ethan's POV

"Ngayong alam mo na kung bakit ikaw ang napili namin pwede na siguro nating pag usapan yung iba pang detalye." sabi ko sa kaharap kong si Annica

"Oo na. May magagawa pa ba ko?" sagot niya

"Okay kailangan mong basahin lahat to. Then kailangan ng pirma mo." sabi ko sabay abot ng isang brown envelope kay Annica

"Ano to?" tanong niya habang binubuksan ang envelope

"Yan ang mga rules na gusto kong sundin mo habang nasa deal tayo
Kontrata yan sa side ko. Basahin mo munang mabuti lahat yan bago ka pumirma okay?" paliwanag ko

"Aba ayos ka rin ano?"

"Ssshhh. Basahin mo na. Pwede kang gumawa ng rules mo pagkatapos." awat ko sa kanya

Wala na siyang ibang nagawa kundi basahin ang mga nakalagay na rules na inabot ko sa kanya
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

                 Contract Agreement
AGREEMENT: Made today 18th day of August, 2018 between Ethan Becker and Annica Cruz.

The said parties, hereby agree to the following terms and conditions:

"WOW! Sosyal ka Ethan ha. May ganito ka pang ganap ha." puna ni Annica

"Sssshh. Tuloy mo na lang yung pagbabasa mo." saway ko sa kanya

ETHAN'S RULES
1. Kailangan tumira ni Annica kasama ako sa pinatayong bahay ng Lolo ko para masunod ang testamento nito.

"Hoy teka ano to? Kasal lang ang usapan diba?" tanong ni Annica

"Kaya nga tayo nandito para magkaliwanagan diba? Wag kang mag alala. Pag nag sama tayo hindi natin kailangan mag tabi sa iisang kwarto. At inuulit ko hindi kita type." sagot ko

"Osige na nga."

2. Hindi maaring ipaalam ang tungkol sa kasunduan kahit kanino man.

"Ah. Eto madali lang." pagyayabang niya

3. Kailangan kumilos ng naayon sa oras at lugar.

"Anong ibig mong sabihin dito??" tanong ni annica

"Syempre kailangan magilang tayong umarte. I mean, sweet pag kailangan. Diba?"

"Ah. Wag kang mag alala magaling akong umarte. Pang artista tayo boyyy."

"Siguraduhin mo."

4. Ipakilala ang magiging asawa (sa papel) sa mga taong nakapaligid sa inyo upang maiwasan ang pagka bulilyaso.

5. Bawal ma inlove

"Sus. Feeling mo talaga no??"iritadong sabi ni Annica

6. Hindi maaring humiwalay hanggang hindi natatapos ang isang taon.

"Osige na nabasa ko na saan ba ko pipirma dito?" tanong niya
Tinuro ko naman ang parte ng papel ma kailangan niyang pirmahan.

"Osige ikaw naman ang gumawa ng sayo"

"Osige dun.. dun ka muna baka manilip ka pa eh."

"Sus."

Matapos mag sulat ay binigay na ito sa akin ni annica

ANNICA'S RULES
1. Bawal ang chansing. Bawal ang manyak. Bawal ang abusado

"Talagang mautak ka eh no? Yung number 1 mo tatlong bawal agad eh."

"Mabuti na yung nakakasigurado ako sa kapakanan ko habang nagsasama tayo no."

" Sus. Feeling." bulong ko. Tinignan naman ako ng masama ni annica

2. Kailangan ay bigyan mo ako ng trabaho sa bar na magtatagal kahit na matapos ang kontrata

"Sigurado ka ba?" tanong ko

"Mukha ba kong nagbibiro??"

"Eh mukhang wala ka namang maitutulong dun."

"Kala mo lang." Mayabang na sagot ni Annica

3. Si Ethan ang magbabayad ng bill at grocery sa buong panahon ng pagsasama namin.

"Abaaa. Mautak ka ha!"

"Bakit? Ayaw mo?"

"Oo na."

4. Magbibigay si Ethan ng 300 thousand pesos sa akin pagkatapos na pagkatapos ng kasal

"Oo naman yun lang pala eh."

5. Maari kong dalawin ang pamilya ko ano mang oras ko gusto.

"Wag kang mag alala. Except kung importante talaga. Kagaya ng hinahanap tayo ng abogodo niyo. Mga ganun."

"Good.!"

6. Mag bibigay sa akin si Ethan ng isa pang 300 thousand sa oras na makuha niya ang pangalawang 2milllion pesos matapos ang isang taon.

"Whaaaatttt???" gulat na tanong ko

"Bakit? Akala mo ikaw lang ang marunong makipag negosasyon dito? Laking Quiapo to uyyyy. Di mo ko mauutakan." sagot niya

"Usapan natin is 300 thousand lang." paliwanag ko

"Aba aba naman Ethan. Ginagawa mo kong bata. Sa buong kontrata natin dalawang beses ka makakakuha ng dalawang milyon. Kaya sa apat na milyon na yon 300 thousand lang ibibigay mo sakin? Ano ka hilo?"

"Pero pumayag ka na diba?"

"Kung dalawang beses kang makakakuha ng pera. Dalawang beses din dapat ako. Patas lang. Ano Ethan. Take it or leave it?" tila nang aasar na tanong niya

"Fine." labag sa loob kong sagot

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon