HOUSE BLESSING part2

643 61 41
                                    

Author:
Sobrang sorry guys! Medyo nagka problema si Author kaya natagal sa pagbabalik. Sorry sorry talaga! Sana nandiyan pa kayo. 😣

HOUSE BLESSING
Part2

ETHAN'S POV

Bumalik ako sa sala kung saan naroon  sina Ivonne at Sandra.

"Ivonne. Can i talk to you for a second please!" tawag ko kay Ivonne bago ako naglakad papunta sa veranda, sumunod naman sa akin si Ivonne

"What are you doing here?" tanong ko kay ivonne

"Its your house blessing what's wrong kung pumunta ako dito?"

"I know! Pero bakit kailangang kasama mo siya?"

"Why not? Bestfriend ko siya. Wala naman na kayo diba? May asawa ka naman na. So anong problema dun?" tanong niya

"Yun nga. Sayo na nang galing na may asawa na ko bakit kailangan mo pa siyang isama dito?"

"Nabanggit sakin ni Sandra na nagkita kayo sa Tagaytay"

"Hindi sinasadyang nagkita. To make it clear."

"Relax cousin. Hindi mo kailangan ma stress ng ganyan. Unless you still have feelings for her. Tell me. Mahal mo pa ba siya?"

"No"

"Then relax."

"Fine" sagot ko bago muling pumasok sa bahay.

Nagpunta ako sa kusina parang muling kausapin si Annica.

"Ililipat ko muna yung mga gamit mo sa room ko. Baka makita kasi nila pag sinimulan na yung blessing ng bahay." sabi ko

"Sige." maikling sagot naman ni Annica na hindi manlang tumingin sa akin

"I also invited Attorney para masaksihan niya na magpapa blessing tayo and sincere tayo sa pagtira dito." paliwanag

"Okay."sagot naman ni Annica

Ang init pa rin ng ulo nito.
Hay naku!! Mga babae nga naman talaga. Tsk tsk tsk!

Lumabas ako ng kusina. Akmang lalapit naman sakin si Sandra pero dumiretso ako sa hagdan para umakyat sa kwarto ni Annica. Sinimulan ko na ngang iayos ang mga gamit niya.

Pasado alas dos ay nagsimulang dumating ang mga bisita. Ang family ko, pero wala pa rin si Daddy. Kasunod nila si Attorney. Dumating din ang family ni Annica kasabay ni Josh. At kahit na ayaw ko, dumating din si Jeric. Huli namang dumating ang Pari.

"Okay shall we start?" tanong ng pari

"Father Sanchez. Can we wait a little longer?" tanong ko

"Why iho?" tanong ng Pari

"Ahhhm. We have to wait for my wife. She's just taking a bath. Siya po kasi nag prepare lahat." sagot ko sabay tingin kay Jeric

"Oh. Youre lucky Son." ang sabi ni Father

"I know Father. Thank you." Mayabang namang sagot ko sabay tingin muli kay Jeric pero napansin kong umiwas naman siya ng tingin sa akin.

Maya maya lang ay bumaba na si Annica at nag simula na nga ang blessing ng bahay.

Kasabay ng pagdarasal ay nag wiwisik naman si Father ng holy water. Inikot namin ang buong kabahayan.

Matapos ang blessing ay nagpunta na kaming lahat sa Dining area para kumain at ng makaupo na ang lahat ay tinulungan ko si Annica para mag serve.

Naririnig ko rin na nag uusap usap sila at dun na nga nagpakilala si Jeric bilang bagong kaibigan namin ni Annica.

"Wow! Mukhang masasarap to ha. Ang galing mo naman Annica." sabi ni Josh habang nanlalaki ang mga mata sa mga nakahain sa lamesa

"Ikaw ba ang nag prepare nitong lahat Annica?" tanong ni Mommy na tinutukoy ay ang niluto ni Annica na Kare-kare, chicken curry, chopsuey, Menudo at  pansit

"Opo. Pasensya na po kayo kasi mga ganyang putahe lang po ang alam kong iluto."

"No. That's not what i mean iha. I mean, i didnt know that you can cook ikaw ba ang nagturo sa kanya magluto balae?." tanong naman ni mommy sa nanay ni annica

"Tinuruan ko yan noon, bata pa siya pero sa totoo lang eh mas magaling na talagang magluto sa akin yan ngayon palibhasa ay hilig niya talaga." sagot naman ng Nanay ni Annica

"Magaling po talagang mag luto yan si Ate." singit ni Aira

"Opo pag nagluluto po si ate laging taob yung kaldero namin." singit naman ni Aaron

"Wag niyo na nga akong bolahin. Kayo talaga." sagot ni Annica sa mga kapatid" Kain na po tayo." dagdag niya

"My God Iha. This dish is delicious! You can actually cook delicious food. I feel confident right now na may kakaining masasarap na pagkain ang Ethan ko." pabirong sabi ni Mommy

"Salamat po. Kain lang po kayo." nahihiyang sagot naman ni Annica

"Mukhang masisira nag diet ko nito Iha. Seriously, masasarap lahat."

"That's why im really thankful to have her as my wife." sagot ko naman sabay kurot sa pisngi ni Annica

"Ang sweet niyo naman iho. Sana sa susunod ay maikasal naman kayo sa simbahan para maging sagrado at may basbas ang kasal ninyo." sabi naman ni Father Sanchez

"Maybe soon Father." sagot ko at tumango naman si Annica

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon