HOUSE BLESSING

722 65 75
                                    

HOUSE BLESSING

ANNICA'S POV

"Sino yun?" tanong ni Ethan

"Ha? Ah yun ba? Si Jeric. Tinulungan niya.."

"Jeric?? Yung sa Tagaytay?" tanong niya

"Oo. Inimbitahan ko siya kasi tinulu..."

"My God Annica!!"

"Bakit nanaman? Bakit ka nagagalit?" tanong ko

"Hindi ka ba talaga marunong mag isip? Kailangan mo pa talagang pasunurin siya rito??"

"Teka. Bakit ba galit na galit ka? Hindi ko pinasunod si Jeric dito. Ano bang problema mo dun sa tao wala namang ginagawa sayo " tanong ko

"Lalaki siya. Lalaki rin ako."

"O so anong ganap dun? anong mo problema dun?"

"Umayos ka nga Annica! Hindi mo ba talaga makuha? Ganyan ka ba kainosente o sadyang nagpapanggap ka lang?" galit na tanong ni Ethan

"Ano bang pinagsasabi mo! Anong nagpapanggap? Ikaw ang umayos Ethan. Hindi kita maintindihan!" tanong ko

"Alam kong alam mo yung mga sinasabi ko. Tigilan mo na nga yung pagkukunwari Annica. Kung hindi mo mapigilan yan! Magtago naman kayo. Hindi yung lantaran yang ginagawa mo!"

"Teka ano bang ginawa ko? Ano bang pinagsasabi mo dyan Ethan!"

"Hindi mo ba alam na ikakapahamak natin pareho yan? Pano kung may makakita sa inyo??! Ni hindi mo inisip yung mga mangyayari!!" Galit na sigaw ni Ethan

"Teka nga. Galit na galit ka hindi mo naman alam yung nangyari!"

"Kahit ano pa yan! Kitang kita ko naman kung pano ka makipag lambuchingan sa lalaking yon!"

"Hindi ako nakikipag landian kung yun yung iniisip mo. Tinulungan niya ko dahil wala akong masakyan. Madami akong dala. Tinulungan niya ko dahil wala namang ibang sasama sakin. Tinulungan niya ko dahil hindi mo naman ako tutulungan. Tinulungan niya ko kaya inimbita ko na rin siya ay tinulungan niya ko dahil magkaibigan kami. Yun lang yun."

"Hindi tutulungan?? Bakit? May sinabi ka ba? Ni hindi ko nga alam kung saan ka nagpupupunta!"

"Panu mo malalaman eh wala ka namang kapakepakielam"

"At talaga papupuntahin mo pa yung lalaki mo dito!"

"Ano bang pinagsasabi mo. Anung lalaki ko?" tanong ko

Biglang tumunog ang doorbell
Tumalikod ako para buksan ang pinto at laking gulat ng bumungad sa harap ko si Sandra. Kasama siya ni Ivonne.

"Hi!" bati ni Sandra at Ivonne

"Ha-ha Hi." nauutal namang bati ko, lumingon ako at nakita kong biglang bigla si Ethan

"Oh may bisita ka!" sabi ko kay Ethan.

"Tuloy kayo pasok." sabi ko naman kila Ivonne at pumasok naman sila. Dumiretso sila sa sala. Hindi pa rin nakakaalis si Ethan sa kinatatayuan niya

"sa kusina muna ko." sabi ko

At nagpunta na nga ako sa kusina. Sinimulan ko ng ayusin ang mga lulutuin ko

"Hindi ko siya pinapunta." sabi ni Ethan

"Pwede ba. Gumawa ka naman ng kahit kaunting ingay bago ka mag salita. Hindi yung nang gugulat ka. Aatakihin ako sayo!"

"Hindi pa kasi tayo tapos mag usap di ba?"

"Nag paliwanag na ko sayo. Sorry kung sa palagay mo ikapapahamak natin yung ginagawa ko. Pero kaya ko namang patunayan sa kahit na sino na kaibigan ko lang si Jeric."

Sumagot si Ethan pero hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sobrang hina ng boses niya

"Ano?"

"Wala!" sabi niya

"Wala pala eh. Sige na. Asikasuhin mo muna yung mga BISITA MO dun at baka kung ano pa ang magawa ko. Este, itutuloy ko na tong mga ginagawa ko."

"Bakit ikaw naman ngayon ang nagagalit?" tanong niya

"Hindi ako galit!" masungit na sagot ko, nagsalita nanaman si Ethan ng mahina kaya hindi ko narinig

"Anong sabi mo??" tanong ko

"Wala." sagot niya

"Wala nanaman. Dun ka na nga!"

"Fine. Sorry." mahinang sabi ni Ethan bago tumalikod at lumabas ng kusina

Totoo ba yun? Si Ethan? Si ETHAN BECKER? Nag sorry?

Pero teka nga! Bakit nga pala ako nagagalit dahil nandito sila Sandra

ETHAN'S POV

Nagulat ako ng malaman kong inimbitahan ni Annica si Jeric. Hindi ko alam kung bakit pero pangalan pa lang ng lalaking yun ay kumukulo na kaagad ang dugo ko.

Pero mas nagulat ako ng makita ko si Ivonne na kasama si Sandra.

"SORRY" mahinang sabi ko kay Annica

"Anong sabi mo??" tanong ni Annica

"Wala." sagot ko

Ano ka ba Ethan. Ang dali daling sabihin nun bakit hindi mo masabi?

"Wala nanaman. Dun ka na nga!" masungit na sabi niya

"Fine. Sorry." mahinang sabi ko bago tumalikod at lumabas ng kusina

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon