TAPA QUEEN

618 55 14
                                    

TAPA QUEEN

ETHAN'S POV

"Alam mo Annica wag mo na i-deny?" Ang sabi ko

"At ano namang idedeny ko sayo aber? Feeling pogi ka rin eh no. Nahiya na si Sam Milby at Papa P. sayo lam mo yun?" sagot naman niya

"Oh! If i know talaga namang gwapong gwapo ka sakin."

"Hoy. Excuse me. My taste to no."

"Bakit? Hindi ba?" tanong ko

"HINDI" walang pag dadalawang isip na sagot niya. Kakaibang babae talaga.

"Hep hep hep. Naka alis at nakabalik na ko nag babangayan pa din kayong dalawa?" singit ni josh habang dala ang mga pinamili niya

"Eh kasi yang magaling mong kaibigan eh." si Annica

"Oh awat na muna okay? May mga bisita pa"si Josh

"Fine" sagot ko

"Dadalin ko muna tong beer sa sala. Bro paki na lang yung mga baso. Tama na yan ha."

"Yeah sure." sagot ko kay Josh

Naghuhugas pa rin si Annica ng mga pinggan at pinaglutuan. Kailangan ko pa naman kumuha ng mga baso sa kabinet pero nasa ibabaw to ng lababo.

Kukunin ba? C'mon Ethan. Its not a big deal. Aabutin mo lang. Sa isip isip ko.

lumapit ako sa labo at akmang bubuksan na ang kabinet ng biglang umiwas si Annica at lumayo.

"What?" tanong ko

"May kukunin ka diba? Kunin mo na. Baka masagabal pa ko."

"Oh c'mon Annica!"

"Wag mo nga kong ma c'mon c'mon dyan. Kunin mo na yung kukunin mo para makatapos na ko sa ginagawa ko."masungit na sabi niya

Inabot ko na ang mga baso. Tumingin ako sa kanya bago ko magpunta sa sala pero inirapan lang niya ako.

Pag balik ko sa sala ay nag simula na kaming uminom nila Josh. Nag kwentuhan, about business, nag biruan at nag tawanan. After 30minutes lumabas na si Annica galing sa kitchen.

"Mukhang pagod na si Mrs. Becker" pabirong sabi ni Josh

"Hindi naman. Sakto lang." sagot ni Annica

"Sobrang sipag kasi niyan." singit ko

"Ano yan?" tanong ni Jeric

"Tapa. Pulutan niyo. Specialty yan ng nanay ko. Malakas din kasi uminom si tatay noon. Bago siya na stroke. Tikman niyo. Malay niyo next week stroke na din kayo." si Annica

Natulala kaming lahat sa sinabi niya.
"Huyyy. Masyado naman kayong seryoso. Masarap yan no!" sabay lapag ng plato sa lamesa "tikman niyo."

Kukunin ko na sana pero nauna si Jeric.

"Wow! Masarap nga. Grabe. Da best!" ang sabi niya. Tinikman namin at masarap nga

"Ang galing talagang mag luto ng asawa ko diba?" sabi ko, tumayo ako at umakbay kay Annica.

Ngumiti naman siya pero halatang pilit sabay pasimpleng kurot sa tagiliran ko.

"Masarap nga." si Josh

"Pwede ka ng mag tayo ng restaurant Annica." si Jeric

"Kayo naman, tapa lang yan wag niyo na kong bolahin." si Annica

"Sobrang humble talaga ng misis ko."

"Sige na Tisoy. Aakyat na ko. Mag enjoy lang kayo diyan magpapahinga na ko."

"Honey i told you, stop calling me that. Im sorry guys, ganyan talaga siya mag lambing."

"Aakyat na ko."

"Okay, pahinga ka na." sagot ko sabay halik sa ulo niya na halatang kinabigla niya. Pero wala siyang nagawa.

Umakyat na nga si Annica at tinuloy na namin ang kwentuhan.

"Tahimik ka yata bro." tanong ni josh

"Maybe, because im just tired"

"Okay lang yan bro. Chill."

I dont know why, but i feel so uncomfortable. Parang biglang inantok na rin ako at napagod.

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon