NEW HOME

693 55 19
                                    

NEW HOME

ANNICA'S POV

"We're here." sabi ni Ethan sabay parada sa tapat ng isang malaking bahay

"Ha?"

"Kasama sa kontrata to diba? Kaya naman, Dito na tayo titira." sagot niya bago bumaba ng sasakyan, sumunod naman ako sa kanya

"Wow. Ang ganda ganda naman nito Ethan. Sayo ba to?"

"Sa lolo ko to, dito siya nakatira noong buhay pa siya at isa to sa mga pamana niya sakin."

"Ang ganda. Ang laki laki pa. Ang swerte mo naman Tisoy." sabi ko habang nililibot ang mga mata sa kabuoan ng bahay.

Sabi niya sa lolo niya to dati pero hindi naman ganun kaluma ang style nito. Malaki ito, dalawang palapag. Black and white ang theme ng bahay.

"Stop calling me that."

"Sorry sorry." sagot ko

"Tawagan mo ang family mo. Sabihin mong magpunta sila dito bukas." sabi nito

"Bakit?" tanong ko

"Bukas ang house blessing nito." sagot naman ni Ethan

"Blessing? Eh di ba sabi mo dito nakatira dati yung Lolo mo?" tanong ko

"Yes ganun na nga." sagot naman ni Ethan

"Pero hindi pa ba na blessing to?"

"Ofcourse na blessing na. Pero hindi naman kailangang ikaw ang first owner ng bahay para magpa blessing. And besides, matagal ng walang nakatira dito. Mas mabuti na rin yun para mawala ang mga bad spirits."paliwanag ni Ethan

"Bad spirits???? Ahhhmmm. As in... MULTO??" tanong ko

"Yes ganun na nga. Bakit?? Takot ka?" tanong namanni Ethan

"Ha? Ako?? Ano.. hindi no! Bakit naman ako matatakot??"

"Talaga???"

"Talaga!"

"Eh sino yang nasa likod mo?" panakot ni Ethan

"Waaaah!!!" sigaw ko sabay takbo at tago sa likod niya

"Hahahaha. Hindi pala takot ha."  tawang tawang sabi nito

"Tukmol!" sabi ko naman

"Halika. I will show you something." si Ethan

Umakyat siya sa taas at sumunod naman ako.

"Tatlo ang room dito. Magkatabi ang master's bedroom at ang dating bedroom ay pinaayos ko. Ang isa naman ay guest room" sabi ni Ethan pagbukas ng pinto

"Woooow! Ang ganda!" sabi ko

"Kwarto ko to." si Ethan

"Ano ba yan. Kala ko naman akin na." sabi ko naman

"Ito ang magiging kwarto mo. Pina extension ko to sa kwarto ko dahil hindi naman nila pwedeng makita na papasok tayo sa magkaibang kwarto." paliwanag ni Ethan

"Wow. Ang laki din!" namamanghang sabi ko,

"Hanggat may tao dito, hindi ka pwedeng pumasok sa pinto na yan. Pinto ko ang gagamitin mo."

"Yes Sir!"

malaki ang kwarto pero bukod sa kama at cabinet ay wala ng ibang nakalagay dito

"Hindi ko alam kung anong theme o ayos ang gusto mo kaya hindi ko muna pinaayos."

"Okay lang. Ako ng bahala." sagot ko naman sabay takbo sa kama

"Hay salamattttt. Makakapag pahinga din. Dyan ka na!" si Ethan

Maghapon natulog si Ethan, nakatulog din naman ako pero sandali lang.

Naisip kong tawagan na ang mga kapatid ko para makapunta naman sila rito bukas. Excited na rin silang makita ang bago kong tinitirhan.

Binilin ko na din sa kanila na dalhin na yung mga ibang importante kong gamit. Grabe naman kasi mag desisyon tong si Ethan. Wala manlang pasabi.

Hhhhmmm
Alam ko na!
Kung magluto kaya ako ng pagkain para sa handaan bukas? Sawang sawa na ko sa mga pinapakain sakin ni Ethan. Kung hindi mamahaling restaurant sa fast food naman. Nakakamiss din kumain ng mga lutong bahay.
Tama! Magluluto ako bukas

KINABUKASAN

Maaga akong gumising para magpunta sa palengke.

Sobrang dami ng pinamalengke ko. Hirap na hirap akong magdala pero kailangan kong makauwi ng maaga dahil kailangan ko pang magluto.

Grabeeee. Nasan na ba tong mga tricycle na to!!! Amoy construction worker na ko. Isang tabo na yata ng pawis yung lumabas sa katawan ko! Kaya mo yan ANNICA!

*

Beep beep*

Biglang may bumusina sa harap ko. Isa itong pulang sasakyan.

"Jeric???"

"Ako nga!" sagot niya. Bumaba siya ng sasakyan para lumapit sakin

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pinauwi ako ng Daddy ko dahil nay kailangan akong asikasuhin sa business namin. Pero ayos naman na."

"Akalain mong nagkita pa tayo dito." di makapaniwalang sabi ko

"Mukhang marami kang pinamili ha?"tanong niya

"May konting handaan kasi. Gusto ko sanang mag luto ang problema naman parang nag rally yung mga tricycle dito. Wala akong masakyan." paliwanag ko

"Bakit hindi ka manlang nagpasama?" tanong ni Jeric

"Wala naman kasing maisasama." sagot ko

"Hatid na kita."

"Wag na naku. Nakakahiya naman baka maabala pa kita."

"No i insist. Wala naman na akong gagawin. Wala rin naman akong lakad today."

"Nakakahiya talaga."

"Ayos lang nga. Akin na nga yan." si Jeric sabay kuha sa mga pinamili ko

"Tara na. Turo mo sakin yung daan." sabi niya. Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya

Hinatid nga ako ni Jeric kaya naman inimbitahan ko na rin siya para makabawi naman ako

"3pm ha. Balik ka." paalala ko

"Syempre naman! Titikman ko yung luto mo." nakangiting sabi nito bago umalis

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon