MEET THE BECKERS

657 62 45
                                    

This part is dedicated to:
Yismyname24 user59627133 user78910518 itsmekimmee01 salamat sa votes at sa iba pang tuloy tuloy sa pagbabasa ❤

MEET THE BECKERS
Part1

Annica's POV

Nasan na ba tong si Ethan! Lalo tuloy akong kinakabahan eh.

Narinig namin ni Josh na may pumaradang sasakyan sa harap ng Bar. At alam na agad namin na iyon na nga ang pamilya ni Ethan.

"Oh no Annica! They're here! What are we gonna do?" tarantang tanong ni Josh

"Hala! Hindi ko din alam Josh. Subukan mo kayang tawagan si Ethan? Asan na ba yun?"

Ethan!!! Ethan!!!
Nasan ka na ba???!!
Sa isip isip ko. Nag sisimula ng mangatog ang tuhod ko.

Mabuti na lang ay dumating na si Ethan. Hihingal hingal itong pumasok sa opisina.

"Saan ka ba galing?" tanong ko

"Bro they're here."

"Yes i know. Nakita ko yung sasakyan nila." sagot ni Ethan

"Eh saan ka nga kasi nang galing. Natataranta na nga tayo dito kung saan saan ka pa nag sususuot. Pano kung..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang may iniabot na kahon sa akin si Ethan

"Wear this." sabi niya sakin "Bro mauna ka na sa labas." sabi niya naman kay Josh

Binuksan ko ang kahon at nakita kong isang pares ng rubber shoes ang laman nito

Bakit kaya??
Siguro dahil ayaw niyang mapahiya sa harap ng pamilya niya.

"FASTER!"

"Ay faster!" gulat na sabi ko "Eto na nga oh isusuot na. Makapang gulat naman to."

"GO!"

"Ayan na nga ayan na." sabi ko sabay tayo nag jogging pa ko ng hindi umaalis sa pwesto dahil talaga namang naging komportable na ang mga paa ko.

"Okay let's go!" aya niya sakin

"Woooo!" bumuga ako ng hangin para mabawasan ang kaba

"Relax. Just remember what i've told you okay?" paalala nito

"Oo na. Ready na ko! KAYA KO TO!" palakas loob na sabi ko

"That's the spirit!"

Nagulat ako ng hawakan ni Ethan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya sa pagkabigla.

"What?? Napag usapan na natin to."dipensa niya

"Oh kalma dong. Wala pa nga kong sinasabi eh."

"Eh parang magrereklamo ka eh." palusot niya

"Hindi ba pwedeng nagulat lang? Tara na nga ng matapos na to!" sagot ko

Naglakad kami ni Ethan na magkahawak kamay at sa entrance pa lang ng bar ay nakita ko na ang pamilya niyang nakaupo sa isang lamesa sa gitna ng bar.

Nakatingin sila sa direksyon namin kaya naman parang ayaw ng humakbang ng mga paa ko.

"C'mon. Dont be afraid." si Ethan, pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating na kami sa mismong harap ng table nila

"Goodevening everyone." bati ni Ethan

"Annica, meet my family. Sila lang ang nandito dahil ALAM MO naman na most of them are out of the country." simula ni Ethan

Talaga ba Ethan? Alam ko??

"Here's my cousins Ivonne and her brother Eric." patuloy ni Ethan napaka ganda at pogi ng mga pinsan ni Ethan. At halatang mga sosyalin.

"Hello sa inyo. Maganda gabi" kinakabahang bati ko sa kanila

"Hi." balik na bati naman nila sakin

"My bestfriend Josh. You already me him before." sabi ni Ethan at tumango naman ako, kumindat naman sakin si Josh

"And ofcourse, meet my mom. Mommy Violy." pagpapatuloy ni Ethan

Naku! Ito na pala yung mommy ni Ethan!

"Ma-ma-magandang gabi po Ma'am." ang sabi ko sabay lapit sa kanya para mag mano, pagkatapos ay nagtaka ako dahil gulat na gulat silang lahat at nakatitig sakin.

Bakit? May mali ba sa ginawa ko? Ang awkward naman makatingin ng mga to. Anong problema nila?
nagtatakang tanong ko sa isip ko

"C'mon lets have a seat." aya ni Ethan sakin para basagin ang katahimikan, hinatak niya ang isang upuan para paupuin ako

Dapat pala laging kaharap yung pamilya nito eh. Para gentle man ang loko!

Pag upo namin ni Ethan. Wala ng nagsalita. Tahimik na tahimik ang lahat hanggang sa

growlllll growllll
Malakas na tunog na nag mula sa tiyan ko. Kanina pa kasi talaga ko nagugutom at dahil nga sa tahimik ang lahat, sigurado akong narinig nila yun

"Sorry po."

"You're hungry? Let's eat." tugon ni Ethan, napansin ko naman na napakuskos si Josh sa mukha niya kaya na peace sign ako sa kanya

"Paul, you can serve our dinner now." si Ethan, Lumapit samin ang isang waiter para mag serve ng pagkain.

"Ethan." pasimpleng bulong ko sa kanya

"Yes?"

"Ano to?" sabay turo sa pagkain na nakahain samin, para siyang maliliit na snail

"Escargot."

"Kinakain ba talaga to?"

"Ofcourse. Gayahin mo lang ang mga gagawin ko." si Ethan

Nakita kong kinuha niya ang pinakamaliit na tinidor na dalawa lang ang tulis. Sinungkit niya ang laman ng escargot

Sinubukan kong gayahin ang ginawa niya pero.... biglang tumalsik ang sa akin at hindi ko na nakita kung saan napunta

"Pasensya na po." nahihiyang sabi ko. Parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko

"Its okay." si Ethan, at muling nilagyan ng escargot ang plato ko

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon