HONEYMOON

766 55 66
                                    

NOTE: Nagkasakit po ako kaya medyo natagalan. Thank you sa pag hihintay. ❤

Thanks din to: boolmichelle geradenmayward RutchelKrogsgaard IamRuffaMaeCT BiancaBrazil .Thanks sa VOTES/FOLLOW/COMMENTS ❤


HONEYMOON

ETHAN'S POV

"Halika na. Kailangan na nating magpaalam sa kanila." sabi ko kay Annica

"Magpaalam?" tanong niya

"Oo. Kukuha na tayo ng gamit mo." sagot ko

"Gamit?"

"Aalis na tayo." sagot ko

"Aalis?"

"Ano ba Annica. Uulitin mo ba lahat ng sinasabi ko?" tanong ko

"Saan nanaman ba kasi tayo pupunta?" tanong naman niya

"Honeymoon!"

"Ha? Nasisiraan ka na ba? Gusto mong gripuhan ko yang tagiliran mo?"

"Kalma! Masyado kang bayolente." natatawang sabi ko

"Eh sira pala talaga tuktok mo eh. Tatawa tawa ka pa diyan?"

"Kunwaring honeymoon lang to! Kasama sa pagpapanggap natin to. Makakahalata si Attorney." paliwanag ko

"Wow. Kasama sa pagpapanggap ha??" tila naghihinalang tanong ni Annica

"Kunwaring honeymoon lang nga! As if namang gusto kong......"

"Ssshhhh. Wag mo ng ituloy yang sasabihin mo. Gets na kita." awat sakin ni Annica

"Good! Oh tara na magpaalam na tayo sa kanila."

Lumapit kami sa lahat at nagsimula ng magpaalam

"Ang mga batang to. Sabik na sabik sa..." si Tito Baldo, naglakihan lahat ng mga mata namin "sa bakasyon! Ano bang pinag iisip niyo."

"Tito naman eh" si Annica na pulang pula ang mukha

"Oh mag iingat kayo ha." ang mommy

"Opo! Aalis naman po kami." paalam namin

Si attorney naman ay nakatingin lang sa amin at mukhang pinakikiramdaman lahat ng kilos naman.

Umalis kami ng reception at dumiretso sa bahay nila Annica para kumuha ng mga gamit niya.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" tanong ko

"Sa resthouse namin. Sa tagaytay." sagot ko

"Wow sosyal!!!" excited namang sagot ni Annica

Nakatulog si Annica habang nasa byahe at nakarating kami ng tagaytay ng bandang alas tres na ng madaling araw.

ANNICA'S POV

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami dahil nakatulog ako sa biyahe. Dala na rin siguro ng matinding pagod. Halos ilang araw na rin kasi akong walang maayos na pahinga. Mahihinang tapik sa braso ko ang gumising sa akin.

"We're here." si Ethan

"Sorry nakatulog ako." sagot ko

Umakyat kami sa loob ng resthouse nila Ethan. Medyo luma na ang style nito pero maganda pa rin.

Hinanap ko ang kwarto. Bukas na ko maglilibot dito. Hinahanap na ng katawan ko ang tamang tulog.

Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ng biglang "hep hep hep." si Ethan

"Bakit?" tanong ko

"Saan ka pupunta?"

"Sa loob. Matutulog! Saan pa ba?" sagot ko

"Iisa lang ang kwarto dito. Kaya ako ang matutulog diyan." sagot ni Ethan

"Bisita ko dito kaya ako matutulog dito." pagpupumilit ko

"No! Bisita ka lang. Ako ang matutulog diyan" laban na laban namang sagot ni Ethan

"Pwede ba Ethan? Wag ka na nga makipag talo. Pagod ako." sagot ko

"Abaaa. Hindi lang ikaw ang pagod dito. At kung pagod ka di hamak naman na mas pagod ako." sagot naman ni Ethan

"Hindi! Wala kong time makipag bilangan ng pagod sayo. Basta ako ang matutulog dito" sabi ko naman

Natahimik kaming parehas. Nagkatitigan na parang naghahamunan. Hanggang sa sabay kaming tumakbo para mag unahan sa kama

"Ako dito!!" si ethan

"Ako nga sabi dito eh" sigaw ko naman bago ko siya sinipa pababa ng kama

"Ouuuccchhhh!" si Ethan

"Ayan tuloy! Sorry!" natatawang sabi ko naman

"Nabali yata yung balakang ko" sabi naman ni Ethan habang hirap na hirap tumayo pero hindi pa rin ako umaalis sa kama.

Nanatili akong nakaupo. Hanggang sa nagulat ako dahil biglang gumapang si Ethan palapit sakin

"Oyyy tigil mo yan!" banta ko pero hindi pa rin siya humihinto. Palapit siya ng palapit sakin

"Sisipain kita ulit sinasabi ko sayo!" sabi ko, mas lalo pa rin siyang lumapit hanggang sa magtapat na yung mga mukha namin

"Sisigaw ako!" sabi ko

"Ang O.A mo!" sagot ni Ethan sabay dampot ng isang unan sa likod ko "kukuha lang ako ng unan no! Feeling nito!" pahabol niya bago lumabas ng kwarto

"Buset!!" sigaw ko

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon