CRUZ FAMILY part2

597 58 13
                                    

CRUZ FAMILY
PART2

ANNICA'S POV

"Ano? Aba Annica naabala sayo ang mga tiyuhin mo."

"Nay, Tay, Tito, Tita at sa inyong dalawang kapatid ko. Wag sana kayong mabibigla."

"Ano bang gusto mong sabihin Annica?" tanong ni Tita Merly

"Magpapakasal na po ako." mahinang sagot ko

"ANO?!" sabay sabay na tanong ng mga kapamilya ko

"Sino? yan bang lalaki na yan? Ha?" sita tito baldo

" Ikaw? Ikaw ba ha?" tanong naman ni tito Mando sabay turo kay Josh na halos mahulog na sa upuan

"Ho? Hindi po. Hindi po ako." natatarantang sagot naman ni Josh

"Ikaw?" tanong naman ni Tito Berto sabay turo kay Ethan, natataranta naman itong napatango

Sabay sabay silang tumingin sakin, sabay tingin kay Ethan bago ibalik ang tingin sa akin

Halaaa. Grabe sila. Hindi ba ka panipaniwala?

"Ah eh.. Opo. Ako nga po pala si Ethan. Ethan Becker po." pakilala nito

"Annica ano ba ito? Totoo ba to?" tanong ni Inay

"Nagbibiro ka ba? Niloloko mo nanaman ba kami? Hindi magandang biro to."

"Totoo po talaga Inay" sagot ko

"Buntis ka no?" tanong ni Tita Merly

"Hindi po ah." tanggi ko

"Paanong nangyari eh hindi naman namin alam na may nobyo ka na." nagtatakang tanong ni Inay

"Alam ko pong nabigla kayo pero...."

"Ssshhhh!" awat ni tito Baldo kay Ethan

"Ang mabuti pa Annica. Ibili mo muna kami ng makakain."

"May dala nga po pala akong..." si Ethan

"Ssshhh." awat nanaman ni tito baldo

"Eto, ibili mo kami ng makakain. Dun sa paborito naming ihawan sa Quiapo." si Tito Mando

"Pero tito..."

"Wala ng pero pero. Gusto naming makausap ng masinsinan tong lalaking to."

Wala akong nagawa. Kakamot kamot akong tumayo at tumingin kay Ethan. Naawa ako sa kanya dahil parang nangungusap yung mga mata niya na humihingi ng tulong.

"Kaya mo yan. Ginusto mo yan eh" bulong ko

Palabas na ako ng tawagin ako ng dalawang kapatid ko.

"Ate sama kami." si Aaron

"Mabuti pa nga isama mo muna yang mga kapatid mo." si Tito Berto

"Alis na po kami." Paalam ko

"Annica. Sabihin mo sarapan ang luto ha. Gusto namin patikimin to ng hindi niya malilimutan!" pahabol na sabi ni Tito Baldo

Naglakad na kami ng mga kapatid ko papuntang ihawan ng makita ko kung gaano karaming tao ang nakapila.

Grabe naman oh. Blockbuster ang pila! Bakit naman ngayon pa.

"Miss. Nakakahiya naman sayo kanina ka pa singit ng singit" sita sakin ng isang lalaki.

"Hindi naman kuya."

"Hindi? Eh kadadating mo lang eh." sagot niya

"Oo nga miss." sabat naman ng isa

"Kanina pa kami dito." singit ng isa pa

"G na G?? Gutom na Gutom?? Osige na. Kayo na." inis na sagot ko sabay alis sa pila

Umupo muna kami ng mga kapatid ko sa tapat ng isang convenience store.

"Ate. Talaga bang ikakasal ka na?" tanong ni Aira

"Oo eh."

"Iiwan mo na kami?" tanong naman ni Aaron

"Syempre naman hindi. Diba may promise ako sayo? Tutuparin ko na yun. Tsaka lagi lang akong nandito. Kahit lumaki na kayo. Kahit kayo na yung may asawa." paliwanag ko

"Talaga ate ha? Promise yan!" si Aaron

"PROMISE!" sagot ko sabay taas ng kanang kamay.

Para sa inyo to. Dahil mahal na mahal ko kayo. sabi ko sa isip ko

Kanina ko pa pinipigilan yung luha ko kasi ayaw kong malungkot yung mga kapatid ko

"Swerte mo naman ate." si Aira

"Bakit naman?"tanong ko

"Ang pogi ng magiging asawa mo. Sobra. Tapos ibang lahi pa. Mukha pa siyang mabait." sagot niya

Akala mo lang! sa isip isip ko

"Pero ikaw Aira. Wag ka munang mag aasawa ha. Wag mo kong gagayahin. Mag aaral kang mabuti"

"Syempre naman ate. Promise!"

"Oh ikaw din Aaron ha." sabi ko naman sa kapatid kong bunso

"Opo naman Ate."

"Mas lalo ka ng sisipagin pumasok. Kasi bukas na bukas bibili na ako ng bagong sapatos niyo ng ate Aira mo."

"Talaga ate?"

"Oo naman pati bagong bag at uniform bibili ako."

"Salamat ate." sabay na sabi nila at yumakap sa akin

40 minutes pa bago ako nakasingit. Hinintay ko pang maluto yung binili ko.

"Sila tito talaga oh." si Aira

"Bakit?" tanong ko

"Alam naman nilang ganito kadami ang tao dito pag ganito oras. Pinabili ka pa." sagot niya

Ano kayang balak ng mga tito ko? Halos isang oras mahigit na kaming wala sa bahay dahil naglakad pa kami.

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon