MGA PROBLEMA

669 53 14
                                    

MGA PROBLEMA

ETHAN'S POV

Naisangla ko na ang kotse ko para lang may maipasahod kami sa mga tao namin at para na rin makapag bayad ng bills sa bar.

Pero wala pa ring magandang balita sa mga nangyayari.

Tulala ako sa opisina. nag iisip ng paraan

"Bro." si Josh sabay tapik sa balikat ko

"Bro." sagot ko naman

"Pasensya na bro. Pero pag wala pa ring progress to kailangan na nating mag sara in 2months."

"Alam ko." malungkot na sagot ko

"Dalawang buwan na lang ang budget ng bar para sa mga tao natin at sa mga expenses."

"Yes i know."

"Nakakalungkot no? Kung hindi lang nagsulputan tong malalaking bar sa paligid natin malamang okay pa." si Josh

"Kaya nga eh. Pero wala tayong magagawa. Business is business. Natunugan nilang malakas tayo dito. May puhunan sila. Nagtayo din sila" paliwanag ko

"Nagkataon lang na mas malaki ang puhunan nila bro."

"2months pa. Malay mo magkaroon ng himala." sagot ko

"Sana nga. Pero kung sakali pwede naman natin ibenta yung mga gamit dito kahit papano..."

"Bro. Ayoko munang isipin yan." putol ko kay Josh

"Pero hindi rin naman natin maiiwasan yun. Napakalabo na."

"May isa pa kong choice."

"Yung sa daddy mo?" tanong ni Josh

"Nope. Hindi yun." sagot ko

"Eh ano?"

"I'll tell you tomorrow."

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

ANNICA'S POV

"Nandito na ko." bati ko pagka pasok ko ng bahay

"Oh anak. Kamusta ang benta?" bati naman sakin ng nanay ko na kasalukuyang pinupunasan ang tatay kong may sakit

"Matumal talaga nay. Ilang araw na nga eh. Hindi ko alam kung bakit ganun. Kakaunti na ang bumibili ng gayuma. Marami na yatang nakatanggap sa sarili nila na maging single na lang buong buhay."

"Ganun ba? Ganyan talaga ang buhay. Wala tayong magagawa. Minsan kumikita minsan hindi." ang nanay

"Ang tatay nakainom na ng gamot?"

"Oo pero pang isang linggo na lang ang gamot dito ng tatay mo." sagot ni nanay

"Gagawan natin ng paraan yan nay. Chill ka lang. Nasan po yung dalawa?" tanong ko sa nanay ko

Dalawa ang kapatid ko
Si Aira 16 years old at si Aaron 14 years old. Parehas ng nasa high school ngayon.

"Baka nandiyan nanaman sa kabila at nakikinood ng t.v" sagot ni nanay

"Ah sige ho magsasaing na ko." sagot ko naman sa nanay ko

Habang nakasalang ang sinaing ay hinahanda ko na ang susunod kong iluluto ng biglang dumating ang dalawa kong kapatid.

"Ate. Anung niluluto mo?" tanong ni Aira

"GS." sagot ko

"Anong GS ate?" tanong ulit ni Aira

"Ginisang Sardinas."

"Si ate talaga pa GS , GS pa." natatawang sagot ni Aira

"Tignan mo nga yung sinaing kung inin na." utos ko sa kanya. Sumunod naman ito at si Aaron naman ang lumapit sa akin

"Ate."

"Bakit Aaron?"

"Kelan mo ba talaga ko ibibili ng bagong sapatos? Puro ka kasi sa isang linggo e isang taon na yung nakalipas." reklamo nito

"Eh pasensya ka na muna sa ngayon. Gipit pa kasi tayo. Ayaw na nga tayong pautangin sa tindahan." paliwanag ko

"Ganun ba?" malungkot na sagot niya

"Wag kang mag alala pag naka raket ang ate sabay ko kayong bibilihan ng ate Aira mo. Sa ngayon gamot muna ni tatay."

"Talaga ate ha?"

Naawa na rin ako sa mga kapatid ko.
Pero wala akong magawa
Sobrang hirap pagkasyahin ng kinikita ko para sa mga gastusin namin.

"Oo naman. Sige na maligo ka na. Naamoy na kita." biro ko "Oh Aira, pagkatapos ni Aaron maligo ka na rin. Dalaga ka na amoy mandirigma ka pa."

"Ikaw din naman ate." sagot ni Aira

"Wag ka ng sumasagot diyan. Maliligo na rin ako pagka luto nito."

"Oo na po."

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon