BAGONG BUHAY?

606 49 3
                                    

BAGONG BUHAY?

ANNICA'S POV

"Nandito na ko." bati ko pagdating sa bahay.

"ATEEEE." salubong sakin ng dalawa kong kapatid

"Oh eto sayo Aira, eto naman sayo Aaron." ang sabi ko

"Yeheeeyyyy! Thank you ate ang dami nito." niyakap ako ng dalawang kapatid ko

"Naku Annica ha. Baka masanay sa ganyan yang mga kapatid mo." sabi ni Inay ng maupo ako sa tabi niya

"Hayaan niyo na Nay. Minsan lang naman."

"Hindi ba nakakahiya sa Asawa mo?" tanong niya

Asawa mo
Asawa mo
Asawa mo
talagang naiilang pa rin ako kapag naririnig ko yung mga salitang yun.

"Hindi ho Nay. Wag ho kayong mag alala dahil tutulong naman ho ako sa negosyo nila."

"Nay ito po pinamili ko para sa inyo ni Tatay. Nag grocery na rin ho ako para may stock kayo dito." sabi ko

"Kailan ang alis mo?" malungkot na tanong ni Nanay

"Hindi ko pa ho alam Nay. Dipende ho kay Ethan." sagot ko, tumango lang si Inay

"Nay, pagkatapos ho ng kasal. Mag ayos na ho kayo rito ihahanap ko na ho kayo ng ibang mauupahan."

"Bakit naman anak?"

"Para ho malapit pa rin kayo sakin. Tsaka para mabilis gumaling si Tatay. eh kahit sino naman ho kasi magkakasakit sa lugar na to." paliwanag ko

"Sigurado ka ba anak? Huwag mo na kaming masyadong isipin. Magkakapamilya ka na."

"Nayyy. Kahit magkapamilya man ako o hindi. Kayo pa rin ang number one na pamilya ko."

"Akala ko iiwan mo na kami Ate e." si Aaron

"Diba nag promise ako sa inyo?" sagot ko

"Ang sweet naman ng ate" si Aaron

"Grouphug." si Aira at nagyakap yakap kaming lahat.

"Oh maligo na kayong dalawa amoy nakalipas na kayo."

"Ang ate talaga."

ETHAN'S POV

Tinawagan ko si Annica para kunin sa kanya lahat ng requirement ang lahat ng requirements para sa kasal. Nangako naman siya na dadalin niya lahat bukas sa opisina.

Nakipag kita naman ako ulit kay Attorney
COFFEE SHOP

"Mr. Becker. Marami akong appointment. Kung kukulitin mo lang ulit ako para kuhanin ang mana mo pasensya ka na but youre just wasting both of our time."

"No Attorney. Nakipag kita ako sayo dahil gusto sana kitang imbitahan." sagot ko

"Imbitahan?"

"Yes. I want you to be one of our witnesses."

"Witness saan?"

"Im getting married."

"What???"

"Im so sorry to bother you Attorney. Kaya lang kulang talaga ang witness namin."

"Look Mr. Becker. Your family is really close to me. I am your family lawyer ever since. I dont want to get you in trouble."

"Anong ibig niyong sabihin attorney?" tanong ko

"Okay let me go straight the point. Kung magpapakasal ka dahil lang sa mana. Wag mo ng ituloy."

"Sino naman ang nag sabi sa inyong dahil lang sa mana kaya ako magpapakasal?"

"Bakit? Hindi ba?" tila mapanghamon ang tanong ni Attorney

"Ofcourse not."

"Then make sure na hindi ko kayo mahuhuli or else. Sayang ang effort mo."

"Syempre naman attorney no. Actually, i was thinking about this for awhile. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob mag propose sa fiancè ko." pagsisinungaling ko

"So, kelan ang kasal?" tanong niya

"Sa isang araw." sagot ko

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon