ETHAN BECKER

939 52 2
                                    

ETHAN BECKER, 21
MANILA

I need to find solution for this problem
Hindi pwedeng masayang lahat ng effort ko. Hindi pwede.

*Kriingggg Kriingggg

"Hello Josh?" bati ko sa kababata kong business partner ko na ngayon

Last year, naisipan naming magtayo ng isang maliit na bar. Nag invest kaming dalawa gamit ang lahat ng savings namin.

"Where are you?"

"Here at the office. Reviewing our financial reports."

"O bro siguro naman nakita mo na. Napag isipan mo na ba?" tanong sakin ni Josh mula sa kabilang linya

"Nag iisip na ko ng solusyon. Pero alam mong hindi talaga madali." sagot ko

"Wala na talaga bro. Lahat ng savings ko pati na rin ang budget ko for the whole year naipasok ko na para lang hindi tayo magsara."

"I know bro, i know." maikling sagot ko

"We're on the deep red right now. We're suffering from financial loss. Bakit hindi ka na lang pumayag sa suggestion ko." sagot ni Josh

"Bro you know i cant. Hindi ako pwedeng manghiram ng pera kay dad. Hindi niya pwedeng malaman to at lalong hindi natin pwede ibenta ang bar." paliwanag ko

"Masyado ng mahirap ang sitwasyon. Hindi magtatagal mag sasara talaga ang bar."

"How about taking a loan?" suggestion ko

"No. No, hindi pwede. We will end up in jail for sure." sagot ni Josh

"Oh c'mon! Paano mo nasabi yan? I think we should atleast give it a try." pagpupumilit ko

"I dont want to sleep behind bars. At sure ako ikaw rin."

"Yeah. Whatever."

"Im sure your Mom will help you deal with your Dad."

"No bro i dont want to disappoint her." sagot ko

"Dudeeee. Dont let your pride make you lose something."

"Alam mo naman ang sasabihin ni Dad diba?"

"Hindi lang tayo ang mawawalan dito. May mga taong umaasa sa negosyo natin. May mga pinapasahod tayo. Pag isipan mong mabuti." sabi naman ni Josh bago ibaba ang telepono

Hindi talaga pwede eh. Hindi talaga.
Ayokong lumapit ulit sa Daddy ko para humiram ng pera dahil nalulugi ang negosyo ko.

Una pa lang ito na ang hinala niya. Dahil alam ko namang wala talaga siyang tiwala sakin.

Kailangan kong makaisip ng paraan. Alam kong makakaisip ako ng paraan.

KNOCK KNOCK
katok mula sa pintuan ng opisina ko.

"Pasok" ang sabi ko
Pumasok si Vince ang isa sa bartender namin

"Aaahhhmm. Goodevening Sir."

"Goodevening. May problema ba?" tanong ko

"Ahh ehh Sir kasi, tatanong ko lang po sana kung pwede po akong mag advance??"

Naku po!

"Advance?"

"Opo sir. May sakit ho kasi si misis eh. Baka lang ho pwede."

"Magkano ba?"

"Five thousand po sana."

"Here." sabay abot ng huling pera mula sa wallet ko.

"Thank you po Sir." sagot ni Vince

Hindi ko mahindian ang mga tao namin dahil sa totoo lang ay swerte na talaga kami sa employee.

Tumakbo ang negosyo namin ng maganda nung simula hanggang sa mag sulputan ang mas malalaking bar malapit samin.

Kaya ang nangyayari, mga taong ayaw makipag siksikan na lang ang pumapasok sa amin.

Kailangan namin ng matinding marketing strategy. At renovation and advertisement ang naisip namin ni Josh.

Hindi maumpisahan dahil sobrang baba ng sales namin kumpara nung mga nakaraan.

Hindi pa namin nababawi ang puhunan at mas marami pang lumalabas na pera sa amin.

Pero alam ko makakaisip din ako ng solusyon. Makahahanap din ako ng paraan.

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon