PAUTANG

612 66 37
                                    

FOLLOW/VOTE/COMMENT
share na rin pag may time.
Hehe

This part is dedicated to all of our active readers specially to:
ejbmme TrueLoveWillCome donat1029 vilmalim2457 hunhanbaebae salamat sa votes ❤

PAUTANG

ETHAN'S POV

"So ano bro? Nakausap mo ba si Sandra?"

"Hindi pa. She's not answering all my calls and messages."

"We're dead!" tulalang sagot ni Josh

"Nakausap ko yung cousin niya. At ang bad news ay huling balita niya raw kay Sandra ay may boyfriend na." paliwanag ko

"Double dead!" si Josh habang tulala pa rin

"I cant think of anyone else"

"We're really really dead!!! Oh. Wait bro! May naalala ako."

"What?" tanong ko

"Basta tara!!!" si josh sabay hatak sakin palabas at papunta sa sasakyan niya

"San tayo pupunta??"

"Sa Quiapo" sagot ni Josh

"No no no no! Dont tell me...."

"You said youre willing to take the risk."

"Yes! But Annica??? You've got to be kidding me."

"No bro."

"No Dude!! No ! are you serious??"

"Yes. More than serious bro."

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

ANNICA'S POV
sa tindahan ni aling bebang

"Sige na Aling Bebang pautangin mo na ko. Para ka namang others eh." pangungulit ko

"Hay nako Annica. Yung utang niyo dito nilulumot na." sagot ni Aling Bebang

"Tayo tayo na lang dito magdadamutan pa ba??"

"Masyado ng mahaba yung listahan niyo. Bayaran mo muna yung utang niyo dito bago ka mangutang ulit."

"Aling Bebang. Kung may pang bayad ako edi sana bumili na lang ako at hindi nangungutang ngayon." paliwanag ko

"Aba pinipilosopo mo pa ko."

"Hindi. Hindi naman ho sa ganun. Grabe. magagawa ko ba naman sa inyo yun? Nagpapaliwanag lang ho ako." pangungulit ko

"Naku annica. Mag bayad ka muna. Malulugi ako sa inyo."

"Ikaw naman Aling Bebang oh. Babayaran ko yan pag nakaluwagluwag ako."

"Kelan pa yun?"

"Malapit na. Nararamdaman ko talaga malapit na. Feel na feel ko na yung energy ng pagyaman."

"Pag yaman?? Eh kahit sa lotto nga imposible kang manalo dahil wala kang pang taya." sagot ni Aling bebang

"Grabe naman kayo oh. Dahil lang sa  tatlong balot ng tuyo at isang kilong bigas tinapak tapakan niyo na yung pagkatao ko." emosyonal na sabi ko

"Naku naku naku. Kinonsensya mo pa ko. Siguraduhin lang na babayaran mo to ha." si Aling Bebang at wala na nga siyang nagawa kundi pautangin ako

SUCCESS!!
Ang galing ko talagang umarte.
Dapat talaga nag artista na lang ako eh.

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon