ICE CREAM

626 57 46
                                    

ICE CREAM

ETHAN'S POV

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami ni Annica sa resthouse. Hindi ko alam kung bakit pero panay ang titig nito sakin.

"Ethan." tawag niya sa akin

"Bakit?"

"Ahh. Ehhh."

"What?? Say it."

"Ahh. Ano kasi. Gusto mo ba ng ice cream? Bibili ako sa baba." tanong niya

"Ikaw bahala."

"Sunget!" sabi nito bago bumaba para bumili sa malapit na convenience store.

Ano nanaman kayang pumasok sa utak ng babaeng yun? Nilalamig daw siya dito tapos ngayon naman mag aayang kumain ng ice cream.
Lord please. Give me strength! Give me more patience.

I really need your help. Baka ilang araw lang ay mahawaan na ko ng kabaliwan ng babaeng to.

Nasan na ba ang babaeng yun? Mag iisang oras na siyang wala eh ang lapit lapit lang naman ng bibilihan niya.

Baka natabunan na ng ice cream?
Hayaan mo siya malaki na siya.
Eh kung napano na yun?
Kaya naman nun sarili niya siga nga yun.
Eh baka naman naligaw?
Imposible naman kasi ang lapit lang
Eh kung nakidnap.
Hindi naman siguro kasi sa lakas ba naman manipa nun ewan ko na lang kung may mag tangka pa.
Eh nasan na nga ba yun?

ANNICA'S POV

"Grabe ka. Ang lakas ng loob mo. Nakaka hanga ka naman. 20 ka pa lang pero ang dami mo ng napuntahan." sabi ko

"Hindi naman masyado Annica. Ikaw naman oh. Mas okay din talaga minsan pag mag isa."

"Ay sorry. Baka naiistorbo na kita." sabi ko

"No. Hindi, thats not what i mean." sagot naman niya

"Pasensya ka na ha. Panis na panis na kasi yung laway ko. Wala kong makausap dito pero akalain mo yun. Pa tour tour ka lang. Tapos mag isa ka."

"Ganun talaga. Kailangan mag unwind paminsan minsan. You know, to get rid of stress. Eh ikaw sino bang kasama mo dito? Bakit naman napapanis yung laway mo?"

"ANNICA." sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko

"AY PALAKA." gulat ko, lumingon ako at nakita ko si Ethan na naka simangot

"Ay ikaw pala Ethan. Halika dito papakilala kita sa bagong kaibigan ko." sabi ko, lumapit naman siya pero nakasimangot pa rin

"Ethan, si Jeric. Jeric eto naman si Ethan."

"Lets go!" si Ethan sabay hatak sakin

"Sige Jeric ingat ka ha." pasigaw na habol ko habang tuloy tuloy pa rin si Ethan sa paghila sa kamay ko

Pag balik sa resthouse ay pabalibag na isinara ni Ethan ang pinto.

"Ethan, eto na nga pala yungggg..." ang sabi ni Annica

"What is wrong with you Annica?!" galit na galit na sabi ko

"Teka! Ano nanamang ginawa ko?" tanong niya

"Hindi ka ba nag iisip? Bata ka ba ha?" galit na sigaw ko

"Bakit nga?"

"Kung kani kanino ka nakikipag usap ni hindi mo nga kilala yung tao na yun! Dont talk to strangers! Alam mo, kahit grade 1 alam yan eh."

"Ah si Jeric ba? Mabait naman siya. Nakilala ko siya kasi..."

"Sandali mo pa lang siyang nakakausap mabait na? Alam mo na ba buong pagkatao niya? Kilalang kilala mo? Close kayo? Bestfriend?"

"Hindi naman sa ganun pero..."

"Shut up!"

"Pero."

"Just shut up and go to sleep! Uuwi na tayo bukas."

Lamukos ang mukhang ibinaba ni Annica ang isang plastic bag sa lamesa bago pumasok ng kwarto

My goodness! What is wrong with you!

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon