HANG OVER

609 56 11
                                    

Thanks to: geradenmayward boolmichelle maryjane2580
Salamat sa pagbabasa


ETHAN'S POV

Nagising ako ng maaga dahil sa sakit ng ulo ko. Tulog na tulog pa din si Josh kahit mas nauna naman siyang natulog sakin.

Pumunta ako sa kusina nila Annica para kumuha sana ng tubig ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Alak pa." si Annica sabay tawa ng malakas.

"Ang sakit nga ng ulo ko eh. Iinom lang sana ko ng tubig." sagot ko

"Sige lang." si Annica

Pumunta ako ng kusina at kasunod ko siya. Nakita kong nagluluto ang nanay niya.

"M-maganda u-umaga po.!" mahihiya kong bati

"Maganda umaga naman." sagot niya

"Nagluto ako ng sabaw. Para maalis yang mga hang over niyo. Mabuti pa gisingin mo na yung kasama mo."

"Opo. Salamat po."

"Nay pagkatapos po ng agahan aalis muna ko. Nasan na po ba yung dalawa?" tanong ni Annica

"Pumasok na yung mga kapatid mo." sagot naman ng Nanay niya

Tapos na kaming mag agahan at nagpaalam na rin kaming aalis na.

"Huyyy teka teka." si Annica

"Bakit?" tanong ko

"Pasabay naman. May pupuntahan lang ako."

"Saan naman?" tanong ko

"Basta! Makikisabay lang naman e dami mo pang tanong."

"Problema mo? Nagtataray ka nanaman."

"Anung nagtataray. Makikisabay lang ako para hindi sayang yung pamasahe no."

"May pera na kuripot pa rin." mahinang bulong ko

"Hoyyy. Narinig ko yun no! Hindi kuripot ang tawag dun. Praktikal lang ako. Bakit pa ko mamamasahe kung pwede namang makisabay." Dirediretsong salita niya

"Grabe. daming sinabi!"

"Sumakay ka na kaya no?"

"Wow ha. Ikaw na lang nga tong makikisabay ikaw pa tong bossy." sagot ko

"Bossy na ba yun? Kung binibilisan na lang natin."

"Oh diba. Yan ba ang hindi bossy?" tanong ko

"Anong bossy dun sinabi ko lang na bilisan natin."

"Eh kasi nga...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumingit si Josh

"Guys guys! Please lang sumakay na kayo para makaalis na tayo. Ang sakit talaga ng ulo ko."

"Ayan kasi... Tagay pa!"

"Ssshhhh."

"Bakit? Kayo naman may kasalanan niyan. Alam niyo nagtataka talaga ko eh. Bar pa talaga napili niyong negosyo ha. Tapos sa lambanog lang bagsak na kayo. Bakit hindi niyo sinubukang magbukas ng Coffee Shop."

"Sasara mo yung bibig mo o bababa ka dito."

"Oh kalma. Relax lang. Yung puso mo. Naka dikit lang ng kanin yan." pang aasar niya

"Tama na nga kayong dalawa." awat ni Josh

ANNICA'S POV

Pauwi na ko galing sa pamimili. Gusto kong surpresahin ang mga kapatid ko. Dumaan na rin ako kila aling Bebang para mag bayad ng utang.

"Annica. Mukhang marami kangnpiamili ha." bati ni aling bebang

"Hindi naman ho. Konti lang. Pangbawi kina Aira."

"Balita namin bigtime ka na ha." si Aling bebang

"Ho??"

"Mag aasawa ka raw ng kano." sagot niya

"Kano?? Kanino niyo naman ho nabalitaan yan." tanong ko

"Kanino pa? Edi sa Tiyang Merly mo." sago niya

Ang tiyang Merly talaga
Mag chichismis na lang mali mali pa. Kano dawww.

"Ay Aling Bebang. Nandito nga po pala ko para magbayad ng utang."

"Ah ganun ba? Eto ang total ng listahan niyo. Pag may kailanga  kayo wag kang mahihiyang lumapit dito ha. Alam mo naman. Hindi na kayo iba sakin." tugon niya

Ang tao nga naman.
Pag dating sa pera biglang nag iiba.

"Salamat po." sagot ko

"Teka Annica. Baka naman may kapatid yung aasawahin mo at alam mo naman na wala pang nobyo ang anak ko." direktang tanong ni Aling bebang

"Wala ho." Natawa na lang ako bago maglakad palayo

Aba'y balak pa yata akong gawing bugaw nito.

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon