CRUZ FAMILY

625 62 29
                                    

Thanks to:
Joan_eth Violet200280 user49482760 samanika user79043688 MWPHflyer
salamat sa votes, comments at sa pag follow. ❤

CRUZ FAMILY
Part1

ETHAN'S POV

Tinawagan ko si Annica

"Kailangan ba talaga nating gawin yun Ethan?" tanong ni Annica

"Syempre!"

"Bakit kailangan pa nating sabihin sa pamilya ko. Siguro naman pwedeng hindi na lang nila malaman? Itago na lang natin. Isang taon lang naman diba?"

"Mahahalata tayo ni Attorney. Gusto mo bang masayang tong sinimulan natin. Im sure wala tayong makukuha pareho kapag nalaman ni Attorney to."

"Sigurado kang gusto mong makilala yung pamilya ko ha? Sigurado ka ha."

"Yes. All of them. Kailangan."

"Ikaw bahala. Baka magsisi ka."

"No. We're on our way. Im with Josh."sagot ko

"Ha?? Ngayon? As in ngayon na?"

"Yes. We'll be there in 30 minutes." sagot ko

"Seryoso? Hindi ba pwedeng next time na?"

"No. Pero ikaw, nasasayo yan. Dala ko pa naman na yung pera. Nakapag loan na kami ni Josh." sagot ko

"Osige sige na nga. Kayo bahala. Bye" paalam ni Annica bago binaba ang phone

Bumili ako ng cake, pancit at mga malalaking softdrinks para dalhin kila Annica

"Para san yan Bro? Birthday niya?" tanong ni Josh

"No. Props lang you know"

"Oh, i see!" sagot ni Josh na may kakaibang ngiti

"Oh c'mon Josh. Stop!"

"What? Wala naman akong ginagawa ha! Nagulat lang ako. Para ka kasing mamamanhikan talaga." sagot niya sabay tawa na parang nang aasar

"Tsss."

ANNICA'S POV

Sabi ni Josh kailangan daw talagang makilala niya yung family ko. Hindi talaga niya alam yung pinapasok niya.

Naghanda na ako ng lamesa at mga upuan na pwede naming pwestuhan. Sinabihan ko na rin sina Inay na may darating akong bisita at kailangan ko silang makausap.

Pinatawag ko naman sa dalawang kapatid ko ang iba pa naming kamag anak. Si Tito Baldo, tito Mando tito Berto at ang mga asawa nila.

Nakaupo na kaming lahat pati na rin ang itay ay kasama namin pero hindi pa rin dumadating sila Ethan kaya naman kabadong kabado na talaga ko.

Ethan!! Nasan na ba kayo? Jusmiyo marimar Annica ano ba tong ginagawa mo!! kabadong tanong ko sa sarili ko

"Annica bakit ba bigla mo kaming pinatawag ngayon?" tanong ng isa sa mga tiyuhin ko

"Wait lang tito. Kalma lang." sagot ko naman

"Kalma lang? Eh ikaw nga tong hindi mapakali dyan. Para kang bulanteng binuhusan ng asin." sagot ng tito ko

"Ok nga bakit ba para kang kiti kiti?" tanong naman ng isa kong tito

"Wala po. May hinihintay lang po ako. Malapit na po. Sandali lang." sagot ko sabay labas ng pinto para silipin sila pero wala pa din kaya naman pumasok ulit ako sa loob

Maya maya lang ay may narinig akong sasakyan na pumarada sa harap namin.

"Oh sino yun?" tanong ng tito baldo at akmang tatayo pero pinigilan ko siya

"Tito! Tito tito." Pigil ko
"Ako na po. Upo ka lang dyan."

"Ano ba talaga yun Annica. Aba eh may mga gagawin pa kami." singit ng asawa ni tito baldo, si tita merly

"Wait lang tita eto na promise!"

Lumabas ako at nakita ko sila Ethan na pababa ng sasakyan.

"Ethan. Ready ka na talaga ha?" tanong ko

"Oo nga." sagot niya bago kami pumasok sa loob.

Tahimik ang lahat. Nakaupo kaming tatlo sa harap ng buong mag anak ko. Tinignan ko si Ethan at halatang kinakabahan din siya.

"Ehem" pekeng ubo ko sabay siko ng pasimple kay Ethan at Josh

"Magandang gabi po." sabay na sabi nila

"Magandang gabi naman sa inyo may problema ba?." tanong ng Nanay

"Ay wala po. Wala naman po. Mang andoy kamusta po?" tanong ni Josh pero sa mga Tito ko nakatingin

"Hindi nakakapag salita ng maayos si Itay dahil na stroke." bulong ko sa kanila

"Hindi mo naman sinabing may mga wrestler ka pa lang kamag anak." bulong naman sakin ni Ethan

"Tinanong kita kung sigurado ka eh." bulong ko

"Ano ba ito anak? Ano bang meron?" Tanong ni Inay. tsaka lang kami natapos ng pagbubulungan

"Aahhhmmm kasi po Nay. Ano po eh." hindi ko alam kung paano sasagot

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon