LAST OPTION

633 58 11
                                    

VOTE/FOLLOW/COMMENT
❤❤❤❤❤❤❤❤

This part is dedicated to all of our readers specially to:
maryamgatbonton RHENZKIE79 maywardmadrid user99999445 indaerz thank you for leaving your comments ❤❤❤

LAST OPTION

ETHAN'S POV
COFFEE SHOP

Nasa coffee shop ako para makipag usap sa Lawyer ng Lolo ko.

"Sorry Mr. Becker pero yun talaga ang nakasulat sa last will and testament ng Lolo mo."

"Attorney. Baka naman pwede ko ng makuha yung kalahati." pakiusap ko

"Sorry pero hindi talaga pwede."

"Please. Kahit bigyan kita ng porsyento."

"Sorry pero hindi ko itataya ang pangalan ko para sa pera. Ayokong sirain ang tiwala sakin ng family niyo." sagot naman ni Attorney Dizon

"This is so unfair. Bakit nakuha nila Daddy yung part nila without any condition?" tanong ko

"Because youre too young according to your grandfather."

"So kailangan ko talagang magpakasal?"tanong ko

"Hindi naman. Pwede mong makuha ang mana mo kahit hindi ka ikasal. PERO."

"Pero??"

"Pero makukuha mo lahat yon kapag 35 years old ka na."

"Seriously??"

"Yes."

"Pero kung magpapakasal ako?"

"Makukuha mo ang unang dalawang milyon limang buwan matapos kang ikasal. Another two million pag kasal ka parin sa iisang babae sa loob isang taon. At ang pangatlong two million ay pag may anak na kayo."

"Bumbay ba tong si Lolo?? Ginawa akong hulugan?" bulong ko sa sarili ko

"Ano yun Mr Becker?" tanong ni Attorney

"Ah. Wala po. Yun lang po ba yung condition?"

"Hindi. Kailangang totoo ang kasal mo. Legal at sincere. Kailangan niyo din tumira sa bahay na pinagawa ng Lolo mo para sayo" pahabol ni Attorney hindi ako nakasagot

"Mabuti pag magsimula ka ng manligaw ngayon. At malay mo next year maikasal ka na. Pasensya na Mr. Becker pero may appointment pa ko."

"No. I have a girlfriend."

"Really?" nagdududang tanong ni Attorney

"Yes."

"We'll see." tila may pagbabantang tugon niya

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Pagkatapos kong makausap ang lawyer ni Lolo ay agad akong nakipag kita kay Josh

"Dudeeee. Are you serious??" gulat na tanong ni josh

"Mukha ba kong nagbibiro?"

"Sino namang pakakasalan mo eh matagal na kayong break si Sandra." tanong ni Josh

"Yun na nga e. Saan ako makakahanap ng magpapakasal sakin at papayag na makipag hiwalay pagkatapos kong makuha yung mana ko."

"Imposible yan bro. Malamang hindi ka na hiwalayan ng babaeng pakakasalan mo dahil sa laki ng perang makukuha mo."

"That's the problem."

"Eh kung fake marriage??" suggestion ni Josh

"No. Malalaman yun ng Lawyer ni Lolo im sure. Masyado siyang ingat sa dignity niya."

"So kailangan talaga natin makahanap ng babaeng pakakasalan mo?"

"Ganun na nga."

"Kasal lang naman diba?" tanong ni Josh

"No. Dahil nasa lawyer ang testament ni Lolo. Kailangan magsama kami na parang tunay na mag asawa ng babaeng pakakasalan ko. Or else hindi ko makukuha yung pera." sagot ko

"Oh no. Mahirap yan. But are you willing to take the risk? Are you sure gagawin mo to?" tanong ni Josh

"This is our last option."

"Pero 2months na lang ang meron tayo remember?"

"Kukuha tayo ng loan at babayaran natin after 5months."

"Are you sure?"

"Yes."

"Really???"

"Yes."

"So sino nga pakakasalan mo?" tanong ni Josh

"I dont know." sagot ko at nakamot si Josh

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon