HULI KA BALBON

621 54 13
                                    

ANNICA'S POV

Nagising ako at hinanap ko agad yung cellphone ko para tignan yung oras. Mag aalas dos na pala ng madaling araw.

Tumayo ako ng bigla na lang akong makaramdam ng pagkahilo. Parang napakasama ng pakiramdam ko. Naalala kong may medicine kit malapit sa kusina kaya naman nag desisyon akong bumaba.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko may isang sako ng bigas na nakapatong sa ulo ko. Nahihilo ako. Para akong may trangkaso.

Nasobrahan siguro ako sa pagod. Ewan ko ba. Hindi naman ako sakitin kahit noon pang subsob ako sa trabaho. Pero ganon pa man, masaya ako ngayon. Hindi ko maipaliwanag basta masaya lang ako.

Siguro dahil, nakakatulong na ko sa pamilya ko, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at bagong masasandalan.

Pag dating ko sa hagdan, nakita kong wala na ang mga bisita sa baba. Hay salamat naman nagsiuwi na.

Pero nasaan si Ethan? Baka nakatulog sa guest room.

Bumaba na ako ng hagdan at nagpunta ng kusina. Kumuha ako ng gamot at isang basong tubig.

Didiretso na sana sa taas para makapag pahinga ulit pero ng mapadaan ako sa maindoor ng bahay, nakita kong nakabukas ito.

hindi manlang nag lock!

Lumapit ako para isarado ng biglang makakita ako ng tila anino ng dalawang talo mula sa gilid.

Dahan dahan akong lumapit ng biglang nakita ko si Ethan. Si Ethan at si.. Si SANDRA.

Nakatalikod sa akin si Ethan pero kitang kita ko na naghahalikan sila. Maghigpit din ang pagkakayapos ng dalawang kamay ni Sandra sa mga batok niya.

Sa pagka bigla ko. Hindi ko sinasadyang mabitawan ang basong dala ko. Nabasag ito, kagaya ng pagkabasag sa katahimikan. Sabay silang napatingin sakin.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko alam ang gagawin ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Ni hindi ko makuhang humakbang palayo... Halos sampung segundo kaming nagtitigan bago ko nagkaroon ng lakas ng loob.

"Sorry." ang sabi ko sabay hakbang papasok ng bahay

"No. No. No. Annica, its not what you think." habol ni Ethan

(Sorry for the short updates, medyo naghahabol lang po. Promise, next chapter bawi ako. Thanks sa mga nag Stay, sana all. Char.)

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon