HEART ACHE?

658 61 9
                                    

HEART ACHE?

ANNICA'S POV

Dumiretso ako sa kwarto ko bago pa man ako abutan ni Ethan ay nag lock na ko ng pintuan.

Hindi ko alam, bakit ganito. Masama yung pakiramdam ko pero ibang sakit na yung nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

Annica. Ano bang nangyayari sayo. Nag seselos ka ba? Alam mong wala kang karapatan. Nagpakasal kayo dahil parehas kayong may pangangailangan. Itigil mo nayan Annica!!! ang sabi ko sa sarili ko Alam mong sila talaga. May nakaraan sila at maaring mahal pa nila ang isa't isa.

Sa sobrang pagod sa pag iyak at sobrang pag iisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng bandang ala sais ng umaga.

Nag ayos ako ng sarili at ng gamit. Gusto ko munang umuwi sa bahay namin.

Gusto ko munang lumayo ng kahit ilang araw lang. Kailangan ko ng kausap.

------------------------------
Pagkarating sa bahay, ay sinalubong agad ako ng dalawa kong kapatid. Tuwang tuwa silang niyakap ako.

"Sorry wala akong pasalubong." sabi ko sa kanila

"Okay lang ate. Na miss ka namin."

Nagmano ako kay Nanay at Tatay.

"Oh Annica anak. Bakit narito ka? Aba'y ilang araw ka pa lang dun sa bahay ninyo ha." tanong ni Nanay

"Namiss ko lang ho kayo."

"Eh ang asawa mo?"

"Ho?"

"Okay ka lang ba anak?"

"O-okay naman Nay." sagot ko habang pilit na ngumingiti

" May problema ba? Nag away ba kayo?" tanong ni Nanay

"Hi-hindi po."

"Anak. Wag kang mahihiyang magsabi sakin."

"Kasalanan ko po Nay. Mali lang po ako ng pag intindi. Kasalanan ko po kasi hindi po ako nag iisip." sagot ko

Mali ako.
Maling mali. Dahil hindi dapat ganun ang naging reaksyon ko. Wala akong karapatan.

"Anak lahat talaga dumadaan sa ganyan pero hindi solusyon yung pag alis. Dapat mag usap kayong mag asawa." si Inay

"TAMA po Nay." nagulat ako ng bigla kong marinig ang boses ni Ethan mula sa likod.

"Nay. Sorry po. Its just a misunderstanding." si Ethan tumango naman si inay "Can we talk? Annica?"

Hindi ako sumagot. Wala akong maisip na sasabihin. Hindi ako makapag salita. Hindi ako makapaniwalang narito siya ngayon.

Muli akong nakaramdam ng pagkahilo.

ETHAN'S POV

Hindi ako nakatulog. Hinihintay kong magising si Annica. I dont know why but i really want to explain everything.

Hinintay ko siya pero nagulat na lang ako ng makita ko siyang dala ang mga gamit niya palabas ng bahay.

I dont know why pero nataranta ako. Na parang gusto kong lumipad. Kaya naman nag bihis agad ako para sundan siya.

"Nay. Sorry po. Its just a misunderstanding." nakita ko namang tumango ang Nanay ni annica "Can we talk? Annica?" tanong ko

Hindi sumagot si Annica. Nakita ko na lang na namumutla siya.

"What's wrong?"

"Hey. Are you okay? Annica. Please talk to me. Are you okay?" hindi pa rin siya sumasagot

Lumapit ako sa kanya para alalayan siya at maya maya ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.

No. Please tell me! Tell me you're okay. Please Annica. Bulong ko sa sarili habang nagmamadaling binuhat siya papunta ng sasakyan.

Agad ko siyang sinakay sumunod naman ang Nanay niya. Nakita kong umiiyak ang mga kapatid niya sa sobrang pag aalala.

"Dont cry. Dont worry. I'll take care of her." sabi ko bago pinaandar ang sasakyan papuntang hospital.

(SALAMAT SA MGA DI NANG IIWAN DYAN. SANA ALL. SINASABI KO SA INYO MAWIWINDANG KAYO SA NEXT UPDATES)

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon