REUNITED???

657 62 3
                                    

Dahil hindi ako masyadong busy ngayon tuloy na natin to.
VOTE/FOLLOW/COMMENT
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

REUNITED???

Annica's POV

Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ang nagawa ko sa mundong ito at pinarurusahan ako ng ganito!

Napaka tumal na nga ng benta. Masasabit ka pa sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Kaya hindi ako naniniwala sa pang pa swerte na yan eh. Ako na nga nag titinda ako pa rin tong nilalapitan ng sang damakmak na kamalasan.

Sabihin na nating malaki ang pangangailangan ko dahil bukod sa na stroke ang tatay ko. Baon na baon na kami sa utang at nagpapa aral pa ko ng dalawang kapatid ko.

Pero kahit na ganun. Hindi pumasok sa isip ko ni minsan na magnakaw para lang magka pera.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak nitong si Tisoy na to at ako pa talaga ang napag tripan.

Akala niya yata e kaya niya ko porket foreigner siya. Uyyyy. Hindi mo ko madadaan sa kagwapuhan mo tsong! Ibahin mo ko!

Oo sige. Aminin ko na. Gwapo talaga ang loko. Maputi, maganda yung mata, matangos ang ilong at yung mga labi niya... ay teka teka. Pinag bintangan niya pa rin ako!

Tapos ang lagay eh mga kababata ko pa pala kung tutuusin. Matapos istorbohin yung hanap buhay ko!

"So kamusta ka na nga Annica?" tanong ni Josh habang nag lalakad kaming tatlo pabalik ng quiapo church

"Ayos ka lang?? Na istorbo niyo yung hanap buhay ko ngayon kakamustahin niyo ko?"

"Sungit naman nito oh. Eh malay ko ba? Ibang iba ka na eh. Binata ka na." biro ni Ethan

"Nakakatawa yon?" tanong ko

"Sungit talaga. Bahala ka na nga diyan." sagot niya

"Hep hep hep. San kayo pupunta?" tanong ko

"Aalis na." sagot ni ethan

"Dahil na istorbo niyo na rin lang naman ako. Siguradong mamalasin lang ang tinda ko tulungan niyo na lang ako mag sara."

"Nautusan pa." nagkakamot na bulong ni Ethan

"Nagrereklamo ka?" tanong ko

"Na istorbo din naman kami." paliwanag niya

"Sumasagot pa. Ano gusto mo? Ulitin natin sa simula?? Hindi ko nga kasalanan yun!" sagot ko naman

"Oo na. Oo na."

"Oh Annica. Mag sasara ka na?" tanong ni Mang Raul

"Oho. Bukas na lang ulit Mang Raul." sagot ko

"Mukhang reyna ka ng quiapo ha?" biro naman ni Josh

"Reyna??? Pinadampot niyo ko reyna?? Hindi ba pwedeng kilala lang?"

"Init ng ulo." sagot ni Josh

"Oh ayan na. Tinulungan ka na namin ha."

"Oo na salamat ha?? Salamat talaga ha. Ang babait niyo! Makakaalis na kayo. Chupiiii." sagot ko

"Sunget!" pahabol ni Ethan

Ethan's POV

Naglakad na kami ni Josh paalis sa pwesto ni Annica para magpunta sa sasakyan.

"Bakit ganun yung taong yun. Ang lakas ng saltik!" sabi ko kay Josh

"Eh ipahuli mo ba naman eh." natatawang sagot niya..

"Sus. Baka wala lang kamong nanliligaw kaya ganun."

"Hay nako bro. Walang pagbabago." si Josh

"Ha?" nagtatakang tanong ko

" Kahit noon pa naman aso't pusa na kayo eh."

"Oh maiba tayo. Kamusta yung nakausap mo na pagsasanglaan natin ng sasakyan ko?"

"Okay na bro. Baka papunta na yun"

"Sure ba yan??" tanong ko

"Oo naman! Eh ikaw sure ka na ba?" tanong ni Josh na tinutukoy ay ang pagsasanla ko

Mahal na mahal ko kasi yung kotse ko. Pero kailangan eh.

"Oo bro. Kailangan e. Mababawi ko naman yun sigurado." kompiyansang sagot ko

"Sana nga."

"Makakaraos din tayo bro. Tiis lang."

"Eh wala naman akong choice eh." si Josh

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon