HIBANG

676 77 45
                                    

PART 11 ❤
This part is dedicated to:
JocelynEscota atcatAnos Jennkiel rose_eyay Mayward_MayEd
Thank you sa pag save and votes. ❤

HIBANG

ANNICA'S POV

Pauwi na ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko

"Annica."
pag lingon ko nakita ko si JOSH AT ETHAN naglalakad palapit sakin

Hindi ko sila pinansin at tinuloy ko lang ang paglalakad ko

"Teka Annica!" sigaw ni Josh

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Nilakihan ko pa ang mga hakbang ko. Pero tumakbo sila at naabutan ako.

"Ano nanaman ba yonnnnn?!" tanong ko

"Pwede ka bang makausap??" tanong ni Josh

"Oh eto na nga kinakausap niyo na ko."

"Hindi. I mean sa bahay niyo."si Josh

"Ano namang gagawin niyo samin?" tanong ko

"Basta! Tara na!"

Pag dating sa bahay ay pinaupo ko muna ang dalawa bago ako nag punta ng kusina

tinawag ko ang kapatid ko

"Aira. Iluto mo nga to at may mga BWISITA ako." talagang sinadya kong marinig nila ang boses ko

Pag balik ko sa kanila ay nag dala ako ng dalawang basong tubig.

kakamot kamot silang nabubulungan

"Walang lason yan hoy. Yan lang ang meron kami dito." sabi ko

"This is definitely not gonna work bro" narinig kong bulong ni Ethan

"ano bang masamang hangin ang nagdala sa inyo rito??" tanong ko

"Pinag tanong tanong ka namin sa Quiapo at may nakapag turo samin na dito ka raw nakatira." si Josh

"Bakit ba kasi?"

"May itatanong lang kami sayo." sagot ni Josh

"Ano?" tanong ko

"Tanong mo na!" bulong ni Josh kay Ethan sabay pasimpleng siko nito

"Ikaw na." bulong naman ni Ethan

"Ikaw na nga eh."

"Hindi bro. Ikaw na."

"So feeling niyo hindi ko kayo naririnig?" tanong ko

"Eh kasi Annica ano eh." si Josh

"Ano??" tanong ko

"Ano kasi eh."

"Ano nga eh. Puro kayo Ano! Hindi ba kayo magsasalita ng matino? Madami pa kong gagawin."

"Gusto ko sanang magpakasal sayo." si Ethan

"Ha?? Ano?" gulat na tanong ko

"Ngayon ikaw naman tong nang aANO." sagot ni Ethan

Siniko siya ni Josh. "Huy. Ayusin mo nga"

"Oo na." kakamot kamot namang sagot ni Ethan

"Ano bang pinagsasabi mo Ethan. Nahihibang ka na ba? Anong kasal kasal??" tanong ko

"Hindi. Kailangan lang kasi."

"Eh adik pala kayong magkaibigan eh!"

"Teka Annica. Pakinggan mo muna si Ethan. Ano ba Ethan, magsalita ka na." singit naman ni Josh

"Ano ba Ethan. Ano nanaman ba yang pumasok sa utak mo at susugod sugod kayo dito at bigla biglang mag aaya ng kasal."

"Kailangan nga kasi eh." sagot ni Ethan

"Alien ka ba?" pikon kong sabi

"Ganito kasi yan Annica. Makinig kang mabuti ha." salita ni Ethan pero kita sa mukha niya na hindi niya alam kung paano sisimula ang sasabihin.

"Kanina pa ko nakikinig."

"May makukuha kasi akong mana sa Lolo kong namatay 3 years ago."

"Oh ano namang kinalaman ko dyan?"tanong ko

"May terms and conditions bago ko makuha yung mamanahin ko." pagpapatuloy ni Ethan

Pinaliwanag sakin ni Ethan ang mga kondisyon ng Lolo niya para makuha niya ang kanyang mana at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

"Eh may pinagmanahan ka naman pala eh."

"Annica please. Kailangan namin ng tulong mo." si Josh

"Nasisiraan na ba kayo? Daig niyo pa nalipasan ng gutom sa mga pinagsasabi niyo."

"Pwede naman nating pa annul yung kasal after a year." sagot ni Ethan

"Annul? Baka kala mo biro biro lang ang kasal. Hindi pa nga ako nagkaka jowa pag iisipin mo na ko ng annulment. Humanap na lang kayo ng ibang mauuto niyo."

"Annica naman." si Josh

"Babayaran naman kita eh." si Ethan

"Babayaran?"

"Oo."

"Anong palagay mo sakin?? Bayarang babae??"

"Hindi naman sa ganun! Magpapanggap lang tayo. Isang taon lang naman eh."

"Ano yun?? Parang nag renta ka lang ng sasakyan?" sarcastic kong tanong

"100 thousand." si Ethan

"Hindi. Mag hanap na lang kayo ng iba."

"200!"

Tulala lang si Josh na parang nanonood lang ng bidding.

"No no no no no Tisoy."

"Fine. 300 thousand! Take it or leave it!" matapang na sagot ni Ethan

"DEAL!" sagot ko sabay lahad ng kamay ko para makipag shake hands

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon