SMALL WORLD

672 70 33
                                    

SMALL WORLD

ETHAN'S POV

Natahimik kaming dalawa habang parehas masama ang tingin sa isa't isa..

Sa wakas ay dumating na Josh sa presinto. Sinalubong ko siya.

"Bro. Anung nangyare?" tanong ni Josh

"Na snatch yung phone ko eh. Buti nabawi ko. Nandito lahat ng contacts ko." sagot ko naman

"Okay ka lang ba?"

"Okay lang. Mabuti nga nahuli namin tong kasabwat nilang babae." naiinis pa ring sagot ko

"Sigurado ka ba diyan?"

"Oo naman bro. Kitang kita ng dalawang mata ko ng ipasa sa kanya nung lalaki yung cellphone ko." Paliwanag ko

"Nasan ba siya?" tanong nj Josh

"Nasa loob. Ayaw umamin eh. Huling huli na nga eh. At siya pa kamo ang matapang. Parang may tama eh." iritadong sagot ko

"Tara nga kausapin natin."

"Osige try mo. Ingat ka lang baka mahawa ka. Matindi eh." sagot ko kay Josh at sabay kaming pumasok sa loob ng presinto

"Nasan ba?" tanong ni Josh

"Ayun." sagot ko sabay turo sa babae. Nilapit naman ito ni Josh at naupo siya sa harap nito.

Sumimangot naman agad ang babae ng makita niyang kasama ko ang umupo sa harap niya.

"Hi Miss." mahinahong bati sa kanya ni Josh tinitigan nito ang mukha ng babae.

Umupo ako sa tabi ni Josh at muling sumimangot sa babas

"Nagsumbong ka pa talaga no? Iyakin." galit na baling sakin ng babae, umiiling iling pa ito na parang nang aasar.

"Hoyyy. Excuse me lang Miss. Inabala niyo lang ang lakad ko. Siya talaga ang katagpo ko dito." inis na sagot ko

"Ahh. Bading!" nang aasar namang bulong nito

"Anong sabi mo?" galit na tanong ko

"Wala." patay malisyang sagot nito "pogi nga bingi naman" bulong ulit nito

"May sinasabi ka??" asar na tanong ko

"Ang sabi ko may tinda rin akong cotton buds. Baka gusto mong bumili. Mukhang kailangang kailangan mo eh."

"Aba talaga namanggg...!"

"Ssshhhhh." awat sakin ni Josh sabay harap sa babae "Miss pwede ko bang malaman yung side mo? Pag usapan natin to para matapos na kasi pare parehas lang naman tayong naabala." mahinahong sabi ni Josh

"Kasi nga... hinagis lang talaga sakin yung cellphone niyan ni tisoy. Kanina pa ko paulit ulit sa kanila. Oh tignan mo nga etong si kuyang pulis nag kape na."

Tekaaa. Bakit kaya titig na titig tong si Josh sa babaeng to. My God bro wag mong sabihin saking nag iba ka na ng taste sa babae ngayon.

"Ganito na lang. Para matahimik tong kasama ko. Aminin mo na lang yung totoo ako na nangangako sayo hindi ka namin ipapakulong."

"Hoy anong hindi?" singit ko naman

"Ssshh. Tama na bro." awat sakin ni Josh

"Wala nga akong aaminin sa inyo ang kukulit niyo. Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong kinalaman dyan at isa pa hindi ko talaga kilala yung nang snatch sayo. Jusmiyo!"

"Alam niyo kanina pa tayo dito. Para matapos na to gawan na lang natin ng blotter. Kung interesado ka talagang mag sampa ng kaso ipapatawag ko kayo. Ano bang pangalan mo?" tanong ng pulis

"ETHAN. ETHAN BECKER."

"wow sosyal." nang iinis na bulong ng babae

"Eh ikaw?" tanong ng pulis sabay turo sa babae

"ANNICA CRUZ."

"ANNICA? baka ANING KA" pang aasar ko

"Talaga ba???" nang aasar naman niyang sagot

"Wait!" pigil ni Josh sa pag susulat ng pulis

"Why?" nagtatakang tanong ko

"Annica Cruz????" tanong ni Josh

"Oo nga. Ang kukulit talaga."

"So your father is Mang Andoy??"

"Oo bakit mo alam?" tanong ng babae

"Oo nga bro ano ba yun??" tanong ko naman

"Bro hindi mo matandaan si Annica? Kalaro natin nung grade school! Anak ni mang andoy na janitor."

"Ikaw yun??"gulat na tanong ko

"Oo ako nga."

"Kaya pala pamilyar ka eh. Kami hindi mo natatandaan?" Tanong ni Josh

"Ngayon lang nung sinabi mo." sagot naman ng babae

"Ano ng balita sayo! Grabe bigla kayong nawala nun. Si mang andoy kamusta?" si Josh

"Na stroke ang tatay. Kaya sumama na lang ako sa pagtitinda ni nanay." sagot naman ni Annica

"Sure ka talaga?? ikaw yun??" Di makapaniwalang tanong ko

"TEKA!!!" singit ni manong pulis sabay dabog sa lamesa na ikinagulat naming lahat "maputi na lahat ng buhok ko sa inyong tatlo. Kaninang kanina pa tayo dito. Itutuloy ba natin to oh ano???" Kakamot kamot na tanong ng pulis

"Hindi na ho." sagot ni Josh sabay tayo at hila saming dalawa ni Annica.

"Mga kabataan talagaaaa!" pagalit na sigaw ng pulis

Not So Ordinary Love (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon