(Sarah)
"Sarah!"
"Sarah!"
"Sarah"
"Sarah ano ba! Kanina pa kita ginigising! Nasa baba na si Dash, kanina ka pa niya hinihintay!"
Kahit ayaw ko sanang gumising nang marinig ko ang pangalan ng asar na lalaking 'yon bumangon na ako at dumiretso ng banyo.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Nakita ko namang todo ang ngiti ng unggoy na 'to.
"Bakit ang aga mong mang-istorbo? May aasikasuhin akong kaso ngayon sa opisina ko kaya pwede ba umalis kana!" naiinis kasi ako sa pagmumukha niya.
Halos lahat ay natutuwa dahil ako daw ang napiling ligawan ng kumag na 'to. Business man siya samantalang ako ay isang abogado. I think he's 28 habang ako ay 27. Kababata ko siya pero hindi ko maalis sa sarili ko ang takot dahil isa siyang babaero.
"Babe naman" busangot ang mukha niya habang sinasabi niya 'yon "ikaw na nga ang pinasyal ko, ikaw pa ang galit. Ayaw mo bang makuha ang gwapo kong mukha?" ang yabang talaga nito eh.
"Umalis kana kasi ayaw kong makita ang mukha mong babaero ka!"
"Hindi ako aalis dito dahil nabalitaan kong may date kayo ng kumag na Marlon na 'yon!" si Marlon ay nanliligaw din sa akin. Pero mas mabait siya kumpara dito kaya siya ang lagi kong kasama 'pag kakain ako sa labas.
"Basta alis na baka magalit 'yon 'pag pinaghintay ko!"
"Ayaw ko! Akin ka lang naiintindihan mo?" tinatakot pa ako nitong kumag na 'to.
"Bahala ka diyan. Hindi kita kilala" dumiretso na ako sa sasakyan ko sana pero binuhat ako ng kumag na ito na parang sako.
"Ibaba mo ako! Hayop ka Dash! Ibaba mo ako sabi eh!" kahit na todo ang pukpok ko sa likod niya ay parang wala lang sa kanya.
"Diyan ka lang! Wag mong susubukang tumakas baka mapatay ko ang kumag na Marlon na 'yon!" singhal niya sa akin matapos niya akong ipasok sa sasakyan.
(Dash)
Nakita ko ang takot sa mga mata niya ang sinabi kong mapapatay ko ang lalaki niya. Ang akin ay akin. Kababata ko siya at noon pa man ay itinaga ko na sa batong siya ang mapapangasawa ko.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong siya sabay irap sa akin. Ang taray talaga niya kaya ko siya gusto eh.
"Kung saan mapapaligaya natin ang bawat isa!" pagkasabi ko noon ay binatukan niya ako.
"Para saan 'yon babe?"
"Babe mo ;yang mukha mo! Anong mapapaligaya? Ang manyak mo talagang lalaki ka!" sa'yo lang naman ako manyak eh.
Pagkarating namin sa condo ko ay agad ko siyang pinaupo. Inalis ko naman damit ko dahil hindi ako sanay na may damit 'pag nasa condo ko ako.
(Sarah)
Pagkarating namin sa condo niya ay nakita kong naghubad siya ng damit. In fairness ang ganda ng katawan nitong kumag na 'to. Lagi kasi siyang nasa gym.
"Gusto mong hawakan ang abs ko babe?" aniya kaya binato ko siya ng unan.
"Abs mo mukha mo! Kailangan ko nang pumasok dahil nag-aantay sa akin si Marlon!" singhal ko pero bigla nalang niya akong hinalikan. Gawain na niya 'to pero hindi pa ako sanay.
"Tarantado ka Dash. Kung makahalik ka wagas. Pwede kitang ikaso!" gusto ko lang kasi kong uubra sa kanya ang pagiging abogado ko.
"Anong kaso aber?"
"Pagkiss lagi sa akin!" actually gusto ko siya pero hindi pa rin maiaalis sa akin ang matakot sa pagiging babaero niya.
"Bakit ayaw mo ba?"
Sa halip na sumagot ako ay yumuko nalang ako.
"See gusto mo naman talaga ang halik ko eh!"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)
Fanfic- Have you ever been in love? Have you ever experienced to choose between your family and your love? This story is RATED SPG!