CHAPTER 11

14.6K 206 1
                                    

(Sarah)

Maaga akong nagising pero nanibago ako dahil hindi ako kinulit nang kumag na 'yon ngayon. Baka siguro natakot na putulin ko ang kaligayahan niya na kaligayahan ko rin. Syempre hindi ako papayag na maputol 'yon!

Mabilis akong nagbihis dahil alam kong nag-aantay malamang sa akin ang kumag na 'yon sa labas ng condo ko, pero ang hindi ko inaasahan ay walang Dash na nagpakita sa akin.

Busangot ang mukha kong bumaba sa condo ko. Habang binabagtas ko ang lugar kung saan naroon ang sasakyan ko ay may tumigil na sasakyan at agad akong ipinasok sa sasakyan nila.

"Mga tarantado kayo! Bakit n'yo ako dinukot? Pwede ko kayong kasuhan!" pero hindi nagpatiwag sa sigaw ko kung hindi nagtawanan lang sila.

"Ibaba n'yo ako dito o sasamain ako sa akin!" pananakot ko ulit pero nagtawanan ulit sila.

"Bakit kayo tumatawa?" galit ko pa ring sigaw

"Kasi sa wakas mapapatay na namin sa harap mo ang boyfriend mo" sabi noong isa kaya lalo akong napassigaw.

"Nasaan si Dash? Malilintikan kayo sa akin 'pag may nangyaring masama sa kanya!" nagtinginan lang sila sa sinabi ko saka tumawa ng malakas. Baliw 'ba tong mga to?

"Kung ako sa'yo attorney bilangin mo na ang oras dahil sure akong ikaw ang mismong papatay kay mister Wilson" saad nong isa kaya mas lalo akong natakot. Ako? Papatay kay Dash? Tumahimik nalang ako at nagdasal na sana okay lang si Dash.

(Dash)

"Gago ka Dexter 'pag natakot ang babe ko sa pinagsasabi ng mga tauhan mo mapapatay talaga kita" singhal ko katabi kong kanina pa tawa nang tawa.

"Bakit? Tama naman sila di ba? Mapapatay ka ni Sarah sa sarap... ARAY!" binatukan ko ang gago dahil nandito ang mama ng babe ko. Oo, kasama ko siya sa plano. At alam ko namang matagal na nilang gustong magpakasal na kami ng babe ko kaya noong sinabi kong magpapakasal na kami ay agad silang pumayag.

"Ang dami mong alam eh wala ka namang naipapakilalang babae!" hindi ko ba alam kong bading ba 'to o hindi dahil wala kaming makitang babae na nakakasama niya.

"Eh sa wala akong matipuhan eh! Yang babe mo ibigay mo sa akin papatusin ko yan" rinig kong sabi niya kaya binatukan ko na naman siya ng malakas. Alam kong joke lang niya 'yon pero di ko lubos maisip na may kukuha sa babe kong iba maliban sa akin.

"Bayaw nariyan na daw ang kapatid ko" hindi ko na magawang sumabat dahi narinig kong sinigaw ng kuya ng babe ko na dumating na daw ang bebe ko kaya dali-dali akong umayos.

(Sarah)

"Ano ba! Saan n'yo ako dadalhin?" sigaw ko dahil piniringan nila ako at ipinasok kung sa lugar na kung saan naroon daw si Dash.

"Don't worry attorney sigurado akong masisiyahan kang makita ng bf mo na hubad" bulung sa akin noong isa

"Mga bwesit kayo! Pakawalan n'yo ako dito!" tulad kanina mas lalo lang silang tumawa ng malakas.

Maya-maya ay may narinig akong nagsalita na parang pamilyar na boses.

"Lagot kayo sa boss ko!" alam ko kung kaninong boses to eh "go alis na kayo at baka samain pa kayo!" rinig kong singhal niya pero nagtawanan ulit ng malakas ang mga gago.

Nang alisin ko ang piring ko. Tama nga ng hinala kong galing kay Dexter ang boses na 'yon. Isa kasi siya sa mga kaibigan ng kuya kong masasabi kong baliw.

"Anong ginagawa natin dito Dexter?" tumawa lng siya.

Anong problema ng mga tao ngayon?

Pagkatapos niyang tumawa ay hinila niya ako papasok ng isang kwarto. Doon nakita ko ang mama ko pati na ang kuya kong ubod ng tamis ang ngiti.

"Anong meron?" tanong ko dahil curious ako kung ano ba talaga ng nangyayari.

"Basta lapitan mo na ang babe mo dahil kanina pa 'yon naghihintay" bulong niya kaya tumingin ako kay Dash na masama ang tingin kay Dexter.

Wala na akong inaksayang oras. Mabilis akong lumapit kay Dash. Pagkalapit ko niya ako sa kamay saka nagsalita.

"Nice to see you future Mrs. Wilson" bulong niya sa akin kaya nagulat ako at binatukan siya.

(Dash)

Narinig ko ang tawanan ng mga tao sa toob ng batukan ako ng babe ko.

"Para saan 'yon?"

"Kinabahan ako dahil sa ang sabi ng mga dumukot sa akin ako daw papatay sa'yo tapos ito lang pala ang dadatnan ko!" ramdam ko ang galit niya kaya lalo akong nakaramdam ng saya dahil alam kong mahal na mahal niya ako. Pero hindi ko mapapalagpas si Dexter sa ginawa nila sa babe ko! Humanda sila mamaya.

"Sorry na babe!" sabi ko pero masama pa rin ang titig niya sa akin "Tara na at naghihintay na si judge para sa kasal natin" please pumayag ka na!

"Eh kung ayaw ko?" sabi ko na nga ba eh! Iinisin niya ako.

"Tara na Sarah! Ako nalang ang pakasalan mo?" rinig kong sigaw ng gagong Dexter na 'yon kaya nilingon ko siya at tinignan ng masama. Pero walang epekto dahil mas lalo lang siyang natawa.

"Sige na babe please!" nagmamakaawa na ako sa lagay na 'yan ah.

"Sige na nga! Baka magbago pa ang isip ko!" singhal niya kaya nakangiti ako ng wagas.

.................................................

"You may now kiss the bride" 'yan ang pinakahihintay kong marinig mula sa judge kaya mabilis kong hinalikan ang babe ko.

"Excited na ako para sa honeymoon mamaya Mrs. Wilson" bulong ko sa kanya matapos siyang gawaran ng malalim na halik.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon