CHAPTER 14

13.2K 182 1
                                    


(Sarah)

"Salamat attorney Wilson dahil sa wakas annulled na ako sa gago kong asawa!" sabi sa akin ng isang kliyente kong si Kara Villanueva.

"It's my pleasure Kara! Anyways, congrats din at alagaan mo ang dalawang anak mo" meron kasi siyang isang anak. Ang sabi niya pinili ng asawa niya ang kabit niya kesa sa kanya kaya masaya siyang na-annulled na ang kasal nila.

"Salamat din po at dasal kong matupad ninyo ang hiling ninyong magkaroon na ng anak ni sir Dash" nguniti lang ako sa winika niya.

"Thanks"

Isang taon mula nang ikasal kami ni Dash ay hindi pa kami nabibiyayaan ng anak. Ang tagal na niyang sinasabi sa akin na gusto na niyang magka-anak, pero talagang hirap akong magbuntis.

"Sarah let's go baka mapatay pa ako ng asawa mo kung hindi kita maihahatid sa condo nyo!" sabi sa akin ni Dexter dahil nasa Singapore siya para sa isang meeting. Dalawang linggo na siyang naroon pero nagtataka ako dahil hindi pa siya nangtetext o tumatawag sa akin.

"Ano nagtext na siya?" tanong sa akin ni Dexter matapos kong sumakay sa kotse ni Dash.

"Wala pa. Pero pictures ng babae na kahalikan niya meron ako" saad ko kaya nagulat si Dexter.

"What!" sigaw niya "Patingin" binigay ko naman kaya maging siya napasuntok sa monobela ng sasakyan ni Dash "He's insane!"

"Wag muna nating pag-usapan yan Dexter kasi kanina pa ako nahihilo" wika ko naman dahil halos isang linggo na suka na ako nang suka. Lagi rin akong nahihilo.

"Hey! Are you okay?" tanong niya pero hindi ko na napigilang mahilo sa loob ng kotse.

(Dexter)

Alam kong matagal ng may nililihim sa amin ang kaibigan kong si Dash. Ayaw ko lang siyang i-confront tungkol sa babae niya dahil may tiwala ako sa kanya. Pero nang makita ko ang pictures na may kahalikan siya ay gusto ko na siyang suntukin kung narito lang siya.

"Are you the husband of Attorney Wilson?" tanong sa akin ng doctor na pinagdalhan ko kay Sarah matapos siyang mahilo kanina. Umiling ako.

"I'm her friend" tumango naman ang doctor.

"Ano pong nangyari sa kanya?"

"Ipapaki-usap ko lang sana na wag n'yo siyang pabayaan dahil maselan ang kaniyang pagbubuntis!" nagulat ako sa sinabi ng doctor. Ang tagal na nila kasing pangarap na magka-anak at sa wakas matutupad na.

"Sige po salamat!"

"Don't worry Sarah! Ako muna ang magbabantay sa'yo habang wala pa ang gago kong kaibigan!" sana nga Dash ayusin mo a ng pamilya mo matapos nito.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon