CHAPTER 28

11.3K 167 2
                                    

(Sarah)

Dalawang buwan ng narito si Dash sa bahay. Pilit niyang ipinapakita kung gaano siya kabuting ama. Maging sa akin ay lagi siyang naglalambing ngunit wala lang sa akin 'yon.

Ang buong pamilya ko ay tutol sa desisyon kong patirahin dito si Dash pero dahil sa mga anak ko ay pinili ko kung saan sila magiging masaya, 'yon ay ang makasama nila ang daddy nila.

"Babe kain na!" yaya niya sa akin pero padabog akong pumunta sa kusina at inrapan siya. Alam kong sobra na siyang nasasaktan sa ginagawa ko ngunit hindi ko maalis pa rin ang galit sa puso ko.

"Baby kain na tayo!"

"Yehey! Thanks Daddy!" isa yan sa mga dahilan kung bakit gusto kong tumira dito si Dash kasama ng mga anak ko dahil masaya sila sa tuwing nilalambing sila ng daddy nila.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila dahil nagtext sa akin si Marlon at gusto niyang makipagkita sa akin dahil sa may kaso daw siyang hinahawakan sa Cebu.

"Mga anak aalis muna si mommy ah!" paalam ko sa kanila "kikitain ko lang ang kaibigan ko!"

Nakita kong nasa harapan lang namin si Dash habang nagpapaalam ako sa mga anak ko.

"Ah si Marlon, 'yong kaibigan ni mommy" wika ko sabay halik sa kanila "wag makulit para hindi mapagod si daddy okay?"

Tumango naman sila at tinignan ko si Dash.

"Aalis muna ako" sabi ko pero ramdam kong nangingilid ang luha sa kanyangmga mata.

"Sige. Ingat!" aniya saka tumalikod para punasan ang kanyang mga luha. Kahit ako ay naluha dahil awang-awa na ako sa kanya.

(Dash)

"Sige. Ingat!" pagkatapos kung sabihin 'yon ay agad kong pinunasan ang luha ako dahil alam kong wala akong karapatang pigilan siyang makipagkita sa lalaking 'yon. Kung mag-asawa lang sana kami ay may karapatan ako.

"Daddy let's play!" sigaw ng mga anak ko kaya tumango nalang ako at nakipaglaro sa kanila.

Habang nakikipaglaro ako sa kanila ay mas lalo kong narealize ang pagiging gago ko. Kung sana hindi ko nagawa ang mga 'yon ay masaya akong nayayakap ang mga anak at asawa ko. Sana nagtatawanan kaming apat. Sana mahal namin ang isa't isa. Pero alam kong sana nalang lahat dahil sa kagagawan ko.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon