(Sarah)
"Tama na sis! Bakit hindi mo nalang kasi sabihin sa kanyang hindi ikaw ang kinasal. Pansin naman ng lahat na mahal na mahal ka niya dahil todo ang iyak niya noong nakita niya kaming ikinakasal ng asawa ko" kino-comfort kasi ako ni Kara dahil noong nakita kong umalis si Dash sa simbahan na umiiyak ay naiyak na rin ako hanggang ngayon.
Sinadya kasing banggitin ang pangalan ko bilang Sarah ng kapatid ko dahil gusto kong tuluyan ng malayo ang Dash na 'yon sa buhay namin. Well, hindi alam ni Dash kasi na Sarah Jane kasi talaga ng pangalan ng kapatid ko samantalang Sarah Kane ako. Ang alam ng lahat ay Kara talaga ang pangalan niya dahil yon na ang nakaugalian naming tawag sa kanya.
"Hindi sis! Dapat lang siyang magdusa dahil kung hindi siya gago baka masaya pa kami ngayon!" giit ko
"Pero paano siya sis? Hindi mo habang buhay na maitatago ang lahat ng 'to!"
"Bahala na sis! Basta ang alam ko hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya!"
"Kung 'yan ang gusto mo!" aniya sabay punta ng labas.
"Tita, aalis ka na?" tumatakbong papunta sa kapatid ko ang mga anak ko kaya hinabol ko sila ngunit hindi ko inaasahan ang mangyayari.
(Dash)
Dahil sa nasaksihan ko, ayaw ko ng maging selfish. Kung hindi lang sana ako naging tanga masaya kami ngayong mag-iina.
Nagpasya na rin akong umuwi at hindi na sila gambalain kaya kahit na suntukin nila ako ay gusto ko lang makita ang mga anak ko sa huling pagkakataon.
Pagbaba ko sa kotse ko ay agad akong pumasok sa loob ng bahay nila.
Ngunit hindi ko inaasahan ang gigimbal sa puso ko.
"Tita... tita... wait.." sabi ng dalawang bata.
"Anong sasabihin kaya ng mga pamangkin ko?" malambing niyang sabi. Pamangkin?
"Sarah ang mga anak mo...!" saad niya sabay labas ng isang babaeng kamukhang-kamukha niya.
"Wait ... Khobie.... Keshia...... Dash?" ibig sabihin ang ikinasal ay si Kara at hindi si Sarah. Matagal ko ng alam na may kakambal ang babe ko. At sa pagkakataong ito, alam kong si Kara ang ikinasal dagil suot pa niya ang damit na ginamit niya kanina sa kasal niya.
"Babe!" 'yon alng ang nasabi ko sabay patakbong yumakap sa kanya "sorry babe!"
Mabilis naman niya akong itinulak at binigyan ng malakas na sampal.
"Wag na wag mo akong matawag-tawag na babe dahil matagal na tayong hiwalay" sigaw niya kaya lumuhod ako sa harapan niya
"Patawarin mo ako sa pagiging gago ko babe!" todo ang iyak ko nang makita siyang sobra din ang iyak "I was jerk! Para akong pinapatay sa loob ng tatlong taon na wala ka sa buhay ko! Lalo na noong nalaman kong may anak tayo!"
"So, ngayon ka lalapit sa akin dahil nalaman mong may anak tayo! Tarantado ka pala eh! Gago ka! Hindi kita mapapatawad at lalong hinding hindi kami babalik sa'yo" sa sobrang sagit niya ay binigyan niya ako ng ilang beses na sampal sa. Ngunit tanggap ko 'yon basta mapatawad lang niya ako.
"Mommy who si he? Mommy why are you crying?" lumapit sa kanya ang dalawang bata kaya niyakap ko sila ng mahigpit "Sorry mga anak! Sorry dahil sinaktan ko ang mommy niyo!" hinalikan ko sila sa noo at pisngi.
"Are you our daddy?" tanong nong babae kaya tumango ako at pinunasan ko ang luha ko.
"No! He's not your daddy! You have no daddy! Only mommy!" wika ni Sarah sabay kuha sa dalawa at ibinigay sa yaya nila.
"Ipasok mo ang mga anak ko sa loob ng kwarto nila" sabi niya sa yaya nila kaya narinig kong umiiyak na ang mga anak ko.
"Daddy... Daddy.." sigaw nila.
Lumuhod ulit ako kay Sarah "Please babe patawarin mo ako. Alam ko ang dami kong kasalanan sa inyo.. hindi ko ginusto ang ginawa ko.. tinakot lang ako.. please.." kahit anong sorry ko alam kong kulang pa din ito.
Isang malaking sampal ulit an gang natanggap ko kanya habng todo ang luha niya. "Gago ka ba? Matapos mong nakipaghiwalay sa akin, sasabihin mong hindi mo ginusto? Ang tanga mo! Kung sana naging matapang ka lang hiindi ito mangyayari. Para sabihin ko sa'yo tulad dati kahit na mamatay ka hinding-hindi kita mapapatawad"
Gusto ko sana siyang habulin dahil tumakbo siya papasok matapos niyang sabihin iyon pero ppinigilan ako ng kambal niya.
"Bigyan mo muna ng panahon ang kambal ko. Alam kong mahal ka pa niya dahil nakita namin ang pag-iyak niya kanina nang lumabas kang umiiyak dahil ang akala mo siya ang ikinasal. Please lang lumabas ka muna dahil baka mas lalong lumaki ito dahil galit na galit sa'yo si kuya Tom. Don't worry, I'll help you" aniya kaya tumayo ako pinunasan ang luha ko.
"Salamat" sabi ko
"No problem Dash!"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)
Fanfiction- Have you ever been in love? Have you ever experienced to choose between your family and your love? This story is RATED SPG!