(Dash)
Sobrang saya ko nang maging kami ni Sarah. Alam kong wala na akong mahihiling pa sa buhay ko dahil kasama ko na ang babaeng matagal ko ng pinangarap sa buhay.
"Pre, ang saya mo nitong mga nakaraang araw ah!" sabi sa akin ni Dexter dahil nandito kaming tatlo sa isang bar para makapagliwaliw. May hearing kasing pupuntahan ang babe ko kaya ayaw ko siyang istorbuhin.
"Oo pre! Nakamit ko na ang pangarap ko eh!" saad ko kaya nag-apir ang dalawa kong kasama.
"Basta pre wag mong sasaktan ang kapatid ko kung hindi itatago ko siya sa'yo" saad naman ng kuya ng babe ko kaya may naramdaman akong takot. Pero alam kong hinding-hindi ko siya sasaktan kaya wala dapat akong ikatakot.
"Syempre naman kuya! Mahal na mahal ko ang kapatid mo eh!" sagot ko.
"Naks kuya na ang tawag niya sayo dre oh! Kumukuha ng points para lalo mo siyang magustuhan" eh kung suntukin ko kaya ang Dexter na 'to.
"Gago" sabi ko nalang sabay suntok sa kanyang balikat kaya lalo silang natawa.
(Sarah)
"Congrats Ms. Cruz! Isa na namang kaso ang naipanalo mo!" sabi sa akin ng isang attorney na kakilala ko bilang isang attorney din.
"Thanks attorney! Next time na ang treat" nagtext na kasi sa akin si Dash na papunta na siya para sunduin ako kaya next time na ang treat.
"Naks! Ang gwapo ng boyfriend ni attorney!" rinig kong sambit ng isang empleyado kaya napatingin ako sa paparating. Hindi nga ako nagkamaling si Dash 'yon!
"Hi babe! Malamang pagod ka kaya sinudo agad kita para makakain na tayo!" sabi niya sabay halik sa pisngi ko na lagi niyang ginagawa kaya may mga kababaihan akong narinig na tumili.
"Swerte mo attorney! Akin nalang siya!" sambit nang isa kaya kunwaring ipamimigay ko na si Dash kaya lang hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay kp.
"Babe naman! Wag na wag mo akong ipamimigay sayang ang lahi nating dalawa!" aniya kaya kinurot ko siya sa braso pero natawa lang siya.
"Asa babe! Akin ka lang!" tugon ko naman kaya para siyang kinilig. Bading talaga ata to!
"Halika na para maumpisahan na natin ang paggawa ng babies!" sabi niya nang makarating na kami sa sasakyan nya kaya tumango ako. Blessing 'yon no? Hihindi pa ba ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/158898501-288-k838629.jpg)
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)
Fanfiction- Have you ever been in love? Have you ever experienced to choose between your family and your love? This story is RATED SPG!