CHAPTER17

12K 173 5
                                    

(Dash)

Matapos kong marinig lahat ng sinabi sa aking salita ni Sarah ay nagising ako at sising-sisi. Pitong buwan matapos mangyari lahat nang 'yon ay nawala na sa akin ang lahat: kaibigan ko, kompanya, sasakyan at lahat lahat.

Oo, nang malaman ng mga magulang ko ang ginawa ko kay Sarah ay binawi nila sa akin ang lahat. Tanging ang condo ko nalang ang naiwan sa akin dahil nagmakaawa ako sa kanilang wag iyon.

Nagdesisyon din akong wag makisama kay Jasmine, ang babaeng nabuntis ko habang nagsasama kami ni Sarah.

Kahit na sina Dexter at kuya Tom ay hindi na nagpakita sa akin matapos malamang sinaktan ko si Sarah.

Sa loob ng pitong buwan ay wala akong ginawa kundi ang uminom at pumunta sa bar.

Lagi din kaming nag-aaway ni Jasmine dahil ang dami niyang hinihinging mga bagay-bagay na gusto daw niya para sa baby namain.

Tulad ngayon nasa condo niya siya kaya hahatiran ko siya ng pera para may gastusin siya sa pangangailangan niya hanggang sa maisilang niya ang anak ko.

Napagkasunduan naming sa akin niya ibibigay ang bata pagkatapos niyang manganak dahil hindi daw niya gusto ito. Natuwa naman ako dahil kahit na papaano may anghel na dadating sa akin, kahit na hindi ko ito deserve dahil sa ginawa ko kay Sarah.

Nang malapit na ako sa condo ni Jasmine ay narinig kong may kasagutan siya kaya hindi agad ako pumasok.

"Tarantado ka Tony, okay na kami ng anak mo dahil ang dami kong nakukuha sa lalaking 'yon."hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko matapos kong marinig mula kay Jasmine ang mga salitang iyon.

"Bigyan mo nalang kasi ako ng limang libo para aalis na ako!" sabi naman nong lalaking kausap niya.

"Umalis kana baka darating na si Dash at makita tayo dito! Kunin mo nalang dito bukas" nang marinig ko 'yon saka ako pumasok at naluha.

"Tarantado kayong dalawa" kita ko naman ang gulat sa mga mata nila. Pati na si Jasmine ay naiyak "Pinagpalit ko ang asawa ko dahil akala kong sa akin 'yang batang yan. Sinaktan ko siya." Tuloy-tuloy pa rin ang luha ko "Kahit na mahal na mahal ko siya ay ipinagtabuyan ko siya dahil akala ko matutupad ko na ang pinangarap kong maging ama. 'Yon pala niloloko n'yo ako!" lumabas na ako matapos kong sabihin ang mga 'yon. Ramdam ko ang paghabol sa akin ni Jasmine pero hindi ko na siya pinansin dahil wala na akong paki-alam sa kanya.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon