CHAPTER 18

12.1K 191 3
                                    

(Dash)

"Tarantado kang Dash ka matapos mong saktan ni Sarah ngayon lalapit ka sa akin. Ano bang gusto mo ha?"ipinangako ko kasing hindi na ako lalapit sa kanya matapos ang nangyari.

"Please sabihin mo sa akin kung nasaan ang asawa ko!" pagmamakaawa ko sa kanya ngunit sinuntok na naman niya ako.

"Tapos ano? Sasaktan mo na naman siya? At saka hindi na kayo mag-asawa dahil ikaw mismo ang nagbigay sa kanya ng annulment papers di ba!" iyon ang malaking pagkakamali ko. Pwede ko namang suportahan ang magiging anak ko nang kasama ko ang asawa ko. Sising-sisi ako. Kung sana hindi ko siya sinaktan ay magkasama pa kami ngayon. Lalo na't nalaman kong hindi ko pala anak ang ipinagbubuntis ng babaeng 'yon.

"Alam ko! Kaya gusto kong bumawi sa kanya!' sambit ko kaya isang suntok ulit ang natanggap ko sa kanya.

"Babawi? Sa paanong paraan? Magkaka-anak kana sa iba! Kung ako sa 'yo magfocus kana lang sa magiging anak mo!" alam kong lahat ng suntok niya ay deserve ko kaya hindi ako lumaban.

"Hindi ko siya anak!" 'yon nalang ang nasabi ko

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nalaman ko kaninang hindi ko pala anak ang batang nasa sinapupunan niya!" matapos kong sabihin 'yon ay sinuntok niya ulit ako at sinipa

"Tarantado ka!" dinuro niya ako sa galit niya "Alam mo ba ang ginawa mo? Ipinaglaban mo ang akala mong anak, pero ang mga totoo mong anak binaliwala mo!" halos nanghina ako sa mga sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit alam kong may idea na ako sa sinasabi niya.

Isang suntok muli ang ibinigay niya sa akin "Para magtanda ka at magdusa ka! Sasabihin ko na sa'yo at sana hindi ka makatulog matapos mong malaman ang sasabihin ko. Oo, buntis si Sarah nong iniwan mo siya. Alam mo bang tuwang-tuwa siya nong nalaman niyang magkaka-anak na kayong dalawa" kahit na panay patak ng luha ko sa mga mata ay pinapakinggan ko pa rin siya. "Pero anong ginawa mo sinaktan mo siya" dinuro ulit niya ako "Sabagay, tama lang na mawala sa'yo ang lahat: asawa mo, kompanya mo, kotse mo, at higit sa lahat ang kambal mong anak! Nakakaawa ka dre! Wala kang aasahan sa akin kahit alam ko kung nasaan sila. Magdusa ka at magpakamatay ka na!" matapos niyang sabihin 'yon ay iniwan niya akong hinag-hina sa gilid ng kalsada.

Sa isip ko ang tanga kong pinili ang babaeng akala ko bibigyan niya ako ng anak namatagal ko ng hiling. Ngunit mali ako dahil mas pinatabuyan ko ang babaeng mahal ko at ang mga anak ko.

Pangako! Babawiin ko kayong tatlo.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon