CHAPTER 29

11.6K 166 0
                                    

(Sarah)

"Kumusta Marlon?" tanong ko nang maupo kami sa isang restaurant na ni-reserve niya para sa amin.

"Okay lang! Lalo kang gumanda attorney ah!" wika niya kaya natawa nalang ako.

"Oh kumusta? May asawa kana?" curious kasi ako kung may asawa na siya. Nang huli kasi kaming magkita ay nong paalis na ako ng bansa para lumipad papuntang Canada.

"Oo. Actually gusto ka niyang maka-usap personally" wika niya kaya natuwa ako.

"Talaga? Nasaan siya?" gusto ko kasing makita kung anong itsura ng asawa niya.

"Ako" sabi nang isang babaeng alam kong sumira ng buhay ko.

"Aalis na ako Marlon! Pasensiya na!" saad ko sabay tayo pero pinigilan ako ni Jasmine.

Sinampal ko siya ng malakas kaya napahagulhol siya.

"Please Sarah, let my wife explain everything para maayos na 'to" seryosong naki-usap sa akin si Marlon kaya kahit na gusto kong umalis ay pinilit kong umupo.

"Start" 'yon lang ang lumabas sa bibig ko.

"First of all sorry dahil nasira ko ang buhay n'yo ni Dash" wika niya kaya mas lalong uminit ang ulo ko.

"May magagawa ba 'yang sorry mo kung sira na kami?" alam kong nakuha na namin ang atensyon ng mga tao pero wala akong paki-alam.

"Alam kong kahit anong gawin ko hindi ko na maayos ang nasira ko pero please pakinggan mo ako para kahit na papano ay mabawasan ang dinadala ko" saad niya habang hinihimas ni Marlon ang balikat niya.

"Explain everything!" singhal ko "Three minutes ang ibibigay ko para sabihin lahat!" kahit ako ay naiyak na sa nangyayari.

"Una, hindi totoong gusto ni Dash na makipaghiwalay sa'yo. Mahal na mahal ka niya Sarah. Tinakot ko lang siya na papatayin ko ang kunwaring anak niya sa tiyan ko 'pag hindi siya nakipaghiwalay sa'yo. Alam kong araw-araw siyang nagdudusa noon dahil sa maling hangarin ko, pero wala ako noong paki-alam dahil ang mahalaga sa akin ay ang makakuha ng pera sa kanya para maipagamot ko ang nanay kong maysakit. Walang nangyari sa amin ni Dash. Ginamit ko lang ang pagkakataon nong malasing siya. Kunwaring may nagyari sa amin. Ako rin ang nagpadala ng maling pictures na magkahalikan kami. Nagising nalang ako sa kahibangan ko nang malaman ni Dash na hindi niya anak ang dinadala ko. Hinabol ko siya kaya napada ako. Namatay ang ipinagbubuntis ko kasabay noon ang pagkamatay ng nanay ko!" parehas kaming panay ang tulo ng luha matapos niyang sabihin 'yon. Kahit awing-awa ako sa sinapit niya ay hindi ko pa siya kayang patawarin.

Tumayo ako habang pinupunasan ang luha at lakas loob ko siyang tinignan "I'm sorry for your loss. Sa ngayon kahit gusto kitang patawarin ay hindi ko pa magawa. Pasensya na. Nasira kasi ang buhay ko dahil sa'yo. Isa lang ang masasabi ko sa'yo ngayon. Thank you dahil nalaman ko ang totoo. Pero hindi ibig sabihin nun ay makikipagbalikan na ako sa dati kong asawa." Pagkatapos kung sabihin ang mga 'yon ay tumalikod ako at hindi ko inaasahang makikita ko si Dash sa likod ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ng mahigpit "Sorry babe! Promise last na yakap ko na 'to sa'yo! Mahal na mahal kita pero hindi ko na kayang makita kang umiiyak dahil sa akin" aniya sabay takbo palayo.

Napaluhod naman ako sa sobrang iyak. Ngayon ko lang kasi narealize na hindi ko gustong malayo kay Dash. Alam ko ring sobra ang paghihirap niya ng umalis ako at nagpasyang mamuhay ng wala siya. Nawala lahat sa kanya.

"Sarah, alam kong wala akong karapatan sabihin 'to sa'yo, pero mahal na mahal ka ni Dash. Minsan dumating sa point nong umalis ka na gusto na niyang mamatay. Ang naging sandalan lang niya ay ang anak na sinabi kong sa kanya ngunit hindi" tinignan ko si Jasmine na serysoso ang sinasabi niya kaya nagising ako sa katotohanang ayaw kong mawala si Dash sa amin.

Tumayo ako at pinusan ang luha ko "Thanks" saad ko sabay takbo papunta sa kotse ko para habulin si Dash.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon