CHAPTER 34

11.2K 149 0
                                    

(Sarah)

Nagising ako sa isang malakas na tawanan.

"Hahahaha! Sa wakas mapapatay ko na ang gago tulad ng pagpatay niya sa anak ko" kita kong sabi no'ng isang lalaking punong-puno ng tattoo sa katawan.

"Hindi lang 'yan boss! Mapapatay pa natin silang lahat at saka may sampung milyon pa tayo!"

Noong nakita kong wala ang anak ko sa gilid ko kaya ako napasigaw sa kanila.

"Mga hayop kayo nasaan ang anak ko" lumapit naman sa akin ang lalaking punong-puno ng tattoo saka pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Hayop? Ako pa talaga ang hayop ha? Ang hayop dito ay ang magaling mong asawa dahil siya ang rason kung bakit namatay ang anak namin ni Jasmine" nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin sinisisi niya si Dash sa pagkamatay ng anak nila ni Jasmine. At siya ang ama ng dinadala ni Jamine noon na ipiako nila kay Dash.

"Eh hayop ka pala eh!" sigaw ko matapos niyang alisin ang kamay niya sa pisngi ko "kung hindi n'yo pinaako sa asawa ko ang anak ninyo 'di sana naging buhay ang anak ninyo" isang malaking sampal ang naabot ko sa kanya matapos kong sabihin 'yon.

"Wala kang karapatan na sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin" sigaw niya ulit "pinaako namin kay Dash ang lahat dahil siya lang ang makakatulong sa amin upang mapagamot si Nanay Minda, pero nang dahil sa kanya namatay ang anak ko, si Nanay Minda, at iniwan ako ni Jasmine" ramdam ko ang galit sa mga mata niya ngunit biglang sumigaw ang isang kasamahan nila.

"Boss pinasok tayo"

"Shit! Ihanda ninyo ang mga baril ninyo!" sabi ng lalaking may tattoo saka tumakbo.

(Dash)

"Dre easy ka lang maililigtas natin ang mag-ina mo!" sabi sa akin ni Dexter nang makapasok kami sa loob.

"Siguraduhin lang nilang walang mangayayaring masama sa asawa at anak ko kundi malilintikan sila sa akin" singhal ko nang tuluyan na kaming sa mga kwarto ng lumang hospital na 'to.

"Walang mangyayari sa kapatid at pamangkin ko Dash basta 'wag kang padalos-dalos" wika naman ni kuya Tom. Oo, nang malaman ni kuya Tom ang rason ko ay kusa siyang nakipagbati sa akin, pero 'pag sasaktan ko daw ulit ang kapatid niya baka mapatay na niya ako.

"Tama ang kuya Tom mo dre, relax ka lang" kahit ilang beses nilang sibihin sa aking magrelax ay hindi ko magawa.

Maya-maya ay may narinig kaming putukan kaya nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo. Marami akong pinasok na kwarto kahit panay putukan na ang naririnig ko. Nang makapasok ako sa kwartong isa ay nakita ko ang anak ko kaya nakipaglaban ako sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

"Daddy! I'm scared!" sigaw ng anak ko kaya mabilis ko siyang niyakap at pakawalan nang mapatumba ko ang tatlong lalaking nakabantay sa kanya. Ngunit hindi ko alam ang sunod na nangyari dahil nawalan ako ng malay.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon