(Sarah)
"Hello dexter! Kumusta?" tumawag kasi sa akin si Dexter dahil may importante siyang sasabihin sa akin.
"Sarah sorry" anong sinasabi nito.
"Bakit ka nagsosorry?"
"Narinig kasi ni Dash na nariyan kayong ng mga anak mo sa Canada" bigla akong nakaramdam ng takot sa sinabi niya.
"Ibig mong sabihin alam niyang may anak kami?"
"Oo! Sorry talaga. Noong pitong buwan ka pa lang na buntis nasabi ko na sa kanya. Nalaman niya kasing hindi niya anak ang pinagbubuntis ng babae niya kaya hinahanap ka niya sa akin. Dahil sa sobrang galit ko nasabi ko sa kanya ang tungkol sa kambal." Kahit na gusto kong magalit sa kanya ay hindi ko magawa dahil napakabuti niyang kaibigan sa akin.
"Okay lang Dexter. Siguro may reason ang panginoon kung bakit mo nasabi. Don't worry hinding-hindi siya makakalapit sa mga anak ko!"
"Pero Sarah papunta na siya diyan sa Canada!" lalo akong kinabahan sa sinabi niya. "Pero may plano ako Sarah. Makisama lang kayo!" aniya.
Kinwento niya sa akin ang plano niya kaya pumayag ako.
(Dash)
Bigla akong nagbook ng ticket papuntang Canada matapos kong marinig ang mga sinabi ni Dexter.
Pagkarating ko sa Canada ay naghanap ako kaagad ng hotel na pwede kong tuluyan habang hinahanap ko ang mga mag-iina ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/158898501-288-k838629.jpg)
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)
Fanfiction- Have you ever been in love? Have you ever experienced to choose between your family and your love? This story is RATED SPG!