CHAPTER 16

12.3K 184 0
                                    

(Sarah)

Isang bwan matapos nang pangyayaring 'yon ay nagbago ang lahat. Panay lungkot ang nararamdaman ko. Kaya nagpasya akong umalis ng bansa para makalimot.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo baby?" tanong sa akin ng kuya Tom ko dahil lagi siyang nasa tabi ko noong nalaman niya ang ginawa ni Dash sa akin.

"Oo naman kuya!" wika ko "Wala naman na akong babalikan pa dito!" oo ako mismo ang naglakad ng annulment papers namin ni Dash ng araw ding 'yon. Ako mismo ang nagbigay sa kanya ng kopya. Pansin kong panay inom niya dahil sa dami ng bote ng alak na nasa condo niya, ngunit wala na akong paki-alam sa kanya. Nagpasalamat naman siya kaya umalis na ako agad na may luha sa pisngi.

Dahil doon nagpasya na akong mamuhay sa Canada kasama ng kapatid ko at mama ko na naroon na ngayon.

"Di bale susunod ako sa inyo ni Rain doon next week!" hinalikan niya ako sa pisngi.

"Sige pasok na ako kuya sa loob dahil flight ko na ang susunod na tatawagin. Dex salamat din!" narito din kasi si Dexter sa aiport para ihatid ako.

Lumapit naman siya at niyakap ako "Alagaan mo ang sarili mmo at ang magiging inaak ko ah!" saad niya kaya yumakap din ako pabalik sa kanya.

"Salamat at sana makapasyal ka doon 'pag binyag ng inaanak mo!"

"I will"

Papasok na sana ako sa loob ngunit lumingon ako sa dalawa na nagpupunas ng kanilang mga luha.

This is it! Sana maging masaya ka! 

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon