CHAPTER 26

11.5K 169 2
                                    

(Sarah)

Nang tumingin ako sa labas ay nakita kong nagbabadya ang malakas na ulan. Ang kambal ko naman ay nasa kwarto nila at mahimbing ang tulog.

"Babe" rinig kong sigaw ng boses na kilala ko sa gate ng bahay namin "babe let's talk please!" sigaw niya ulit kaya nilapitan ko siya.

"Pati ba naman dito Dash sinusundan mo ako? Wala ka ba talagang tigil sa ginagawa mo?"

"Hindi ako titigil hanggat sa hindi mo ako napapatawad babe!" malungkot niyang wika.

"Umalis ka na!" asik ko dahil umuulan na pero nagsalita siya.

"Hindi ako aalis dito babe hanggang sa hindi mo ako kinakausap"

"Bahala ka sa buhay mo!"

Mas lalong lumakas ang ulan pagpasok ko kaya kahit na gusto kong siyang tigan ay hindi ko magawa dahil pa rin sag alit ko sa kanya.

Nang gumabi na ay sinilip ko ang gate at wala na akong makita kaya alam kong umalis na siya. Kainis umalis na siya! 'Yon ang laman ng ibang parte sa akin ngunit alam kong galit pa rin ako sa kanya.

Nagpasya na akong matulog at tumabi na sa mga kamabal kong tulog na tulog na.

Riiiiiinnnnngggggg!

Narinig ko ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Sarah hello" alam ko si Vanessa ito ang kapitbahay namin na nakilala ko mula nang lumipat ako dito sa Cebu.

"Yes Vanessa bakit?"

"Kilala mo ba ang lalaking nasa tapat ng gate n'yo. Kanina pa kasi namin napapansing sobra na ang panginginig niya sa lamig" bigla akong napabangon dahil alam kong si Dash ang tinutukoy niya.

Binaba ko agad ang cp ko at mabilis na bumaba. Nang buksan ko ang gate ay tumambad sa akin si Dash na wala ng malay.

"Dash..gising.." naiiyak na ako sa takot nang makita ko siyang walay malay at putlang-putla na dahil sa lamig.

"Dash please gising ..Dash.." nang hindi ko siya magising sapilitan ko siyang itinayo. Kahit na hirap na hirap ako ay hindi ko 'yon pinansin basta sa isip ko ay maging okay lang si Dash.

Nang maipasok ko siya sa loob ay ibanaba ko siya sa sofa na malapit at mabilis na inalis ang kanyag mga saplot. Noong una ay nag-aalinlangan ako pero ginawa ko pa rin dahil naging asawa ko naman siya dati.

Kumuha ako ng damit sa loob ng cabinet na ni kuya Tom. Lagi siya kasi dito noon kaya kumpleto ang gamit na meron siya dito dahil bahay bakasyonan niya dito. Mabilis ko siyang pinalitan ng damit at short.

Nang matapos ko siyang bihisan ay inakay ko siya ulit sa kwartong available sa baba. Kinumutan ko siya ng makapal pero narinig ko siyang bumubulong.

"Babe sorry please...hindi ko sinasadyang iwan ka....mahal na mahal kita.....nawala na ang lahat sa akin.....kaya gagawin ko ang lahat bumalik lang kayo ........sa akin!" napaluha ako ng marinig ko mula sa kanya 'yon. Hinalikan ko siya sa noo dahil kahit anong pigil ko ay alam kong siya pa rin ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon