CHAPTER 36

11.2K 137 0
                                    

(Sarah)

Hindi ko lubos akalain na ganito ang mangyayari matapos naming magkaayos ni Dash. Namatay si Jasmine dahil humarang siya nang pinaputukan kami ni Roel. Si Dash naman ay naging okay na dahil sa balikat lang siya tinamaan.

Samantalang si Tony ay ikinulong at kinasuhan ng habang buhay na pagkakabilanggo.

"Condolence Marlon" sabi ko nang pumasyal kami ni Dash sa lamay ni Jasmine.

"Salamat Sarah at Dash" malungkot naman niyang wika.

Nang maupo kami sa tabi niya ay sinimulan niya ang pagkukwento "Alam n'yo ban a nakilala ko si Jasmine sa isang restaurant. Isa siyang waitress doon. Noong una ang sungit niya sa akin, pero nang makilala ko siya ang hindi pala totoong masungit siya. Hanggang sa tumagal ay naging kami at nauwi sa kasal. Biniyayaan kami ng dalawang anak" oo may lambal silang anak ni Marlon mula nang magsama sila at magpakasal

Habang nagsasama kami ay naikwento niya sa akin ang ginawa nilang panloloko ni Tony kay Dash para maipagamot ang nanay ni Jasmine. Ilang taon siyang iyak nang iyak tuwing gabi dahil sinisisi niya ang sarili niya kung bakit naging magulo ang buhay niya.

Nawalan siya ng anak, nanay, at hiniwalayan niya si Tony dahil lagi siya nitong binubogbog matapos mawala ang anak nila. Kaya nang nalaman niyang kaibigan kita ay matagal na niyang ginustong makausap at makahingi ng tawad.

Nang malaman niya ang ginawang pagdukot sa inyo ni Tony dahil sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nangyari 'yon sa pamilya n'yo. Hindi ko siya napigilan na sundan kayo sa lumang hospital na 'yon dahil alam daw niya kung saan daw kayo dinala ni Tony. 'Yon kasi ang safe place nila kung kailangan nilang gumamit ng droga. Oo, matagal nang alam ni Jasmine na drug pusher si Tony kaya isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya dito

Nang makarating ako sa lugar kung saan kayo dinala ni Roel ay huli na ang lahat dahil sinabi ng pulis sa akin na wala ng buhay ang asawa ko. Sarah at Dash alam kong ginustong isakripisyo ni Jasmine ang buhay niya para mailigtas lang kayo. Sana mapatawad n'yo na siya ng lubusan" iyak na kami nang iyak ni Dash habang ikinukwento ni Marlon ang pagsisisi ni Jasmine sa ginawa niya.

Niyakap ko naman siya at saka nagsalita "Matagal ko nang pinatawad si Jasmine mula nang magka-ayos kami ni Dash. Sana maging malakas ka para sa dalawang anak mo para maayos mo silang mapalaki" tumango naman siya.

"Salamat sa inyo Sarah at Dash. Alam kong matatahimik na ang asawa ko kung saan man siya naroon"

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon