(Sarah)
"Kumusta na Sarah?" tanong sa akin ni Dexter dahil nang mabalitaan niyang umuwi ako ng pinas ay mabilis siyang nagsabi na pupunta daw siya dito para makita niya ang mga inaanak niya.
"Okay lang naman Dex. Ito nag-aalaga ng mga makukulit kong anak" ngumiti naman siya sa sinabi ko.
"Okay kong ganun! Gusto ko nga silang makita kaso mukha atang tulog pa sila" ala sais palang kasi ng umaga nang dumating siya sa dito Cebu.
"Oo eh. Alam mo namang antukin sila" tumango naman siya.
"Pwedeng magtanong ng personal kung pwede?" alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya kaya tumango ako.
"Kumusta ang pagkikita n'yo ni Dash sa Canada?"
"As usual humingi siya ng tawad pero hindi mapapalitan noon ng sakit na dinulot niya sa akin. Muntik pang mawala ang mga anak ko dahil sa ginawa niya" ginusto ko kasing mawala nalang matapos ng ginawa niya.
"Naiintindihan ko pero nagdusa din siya Sarah. Alam kong galit ako sa kanya ngunit dahil sa ginawa niya nawala lahat sa kanya" bigla akong na-curious sa sinabing 'yon ni Dexter.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pagkatapos kasi nang ginawa niya inalis siya bilang president ng kompanya nila. Itinakwil siya ng mga magulang niya. Bahay, kotse at lahat kinuha ng parents niya maliban sa condo dahil lumuhod siya sa parents niya para itira lang 'yon sa kanya"
"Sa loob ng pitong buwan pag-alis mo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang uminom at umiyak. Hindi rin niya pinakasalan ang babae niya dahil ikaw lang daw ang asawa niya at wala ng iba. Nang malaman din niyang hindi niya anak ang ibinubuntis ng babae niya ay lumapit siya sa akin para hanapin ka para makipag-ayos daw sa'yo."
"Doon ko nasabi ang pagbubuntis mo. Kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi at parang gusto na niyang magpakamatay dahil sa nalaman niya. Noon din ay lumapit ulit siya sa parents niya ngunit pinagtabuyan lang nila si Dash. Hanggang sa nagmakaawa siya sa akin na bigyan ko siya ng trabaho. Kaya sa galit ko kahit kaibigan ko siya ginawa ko siyang waiter sa loob ng dalawang taon."
"Inipon niya lahat ng sweldong ibinibigay ko sa kaniya at alam kong wala siyang tigil kakahanap sa inyo. Nang malaman niyang nasa Canada ka ay gustong-gusto ka niyang puntahan ngunit wla siyang magawa dahil wala siyang pero. Kaya pinahiram ko siya ng 500 thousand at dahil doon nasundan ka niya sa Canada."
"Kahit sinabi kong ayaw ko na siyang makita Sarah ay pinapasundan ko siya dahil kaibigan ko siya. Alam kong hindi siya katanggap-tanggap sa ginawa niya sa'yo, pero I think pinagsisisihan niya lahat Sarah. Alam ko galit pa rin ako sa ginawa niya pero based sa nakita ko talagang nagsisisi siya sa nangyari Sarah"
Tuloy-tuloy lang ang agos ng luha mula sa mata ko nang sabihin sa akin ni Dexter lahat nang nangyari kay Dash. Kahit gusto ko siyang patawarin ay hindi ko talaga magawa.
"Hindi ko alam ang mararamdaman ko matapos kung malaman lahat nang nangyari sa kanya Dexter! May parte sa akin na gusto ko siyang patawarin matapos mong sabihin sa akin lahat ng 'yan, ngunit may parte din sa akin na ayaw ko siyang makita dahil sa nangyari"
Niyakap naman niya ako "Alam ko Sarah. Gusto ko lang malaman mo ang nangyari sa kanya hindi ko ibig sabihin na patawarin mo na siya at tanggapin muli"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)
Fanfiction- Have you ever been in love? Have you ever experienced to choose between your family and your love? This story is RATED SPG!