CHAPTER 22

11.6K 169 0
                                    

(Sarah)

"Tignan mo ang dati mong asawa ate" sabi ni Ciara sa akin. Nakita ko namang iyak siya nang iyak habang tinitignang ikinakasal si Kara, ang kakambal ko. Ito kasi ang plano na sinabi ni Dexter sa amin. Pumayag naman kami dahil baka sa paraang ito, makalaya na kaming mag-iina sa kanya.

"Hayaan mo siyang magdusa diyan!" sa totoo lang naaawa ako sa kanya. Ngunit mas nananaig pa rin sa akin ang galit dahil siya ginawa niyang pagtaboy sa akin.

"Pero ramdam kong mahal ka pa rin niya ate!" kahit ako hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kaniya, pero ayaw ko na talagang makita siya o makalapit sa mga anak ko.

"Wala na akong pagmamahal sa kanya!" 'yon nalang ang nasabi ko.

"Nasaan nga pala ng mga kambal ate?"

"Naiwan kay kuya Tom sa bahay!" pinaki-usapan ko kasi si kuya Tom na samahan ang kambal ko dahil darating si Dash. Uminit naman ang ulo niya kaya pumayag siya. Siya kasi ang tumayong ama ng kambal ko sa tuwing maghahanap sila ng daddy nila.

(Dash)

Buti nalang at may kilala akong magaling na imbestigador sa bansang ito. Nang dahil sa kanya ay mabilis kong nahanap ang asawa at anak ko ko. Ngunit ang saya ko ay nawala ng makita kong ikinakasal na sa iba si Sarah.

Gustong-gusto kong ipatigil ang kasal at lumuhod sa harapan niya.

Kitang-kita ko kung paano siya ngumiti habang ikinasakal siya na noon ay sa akin lang niya ibinibigay.

Masakit pala talagang makita makitang ikinakasal ang babeng mahal mo sa iba dahil sa kagaguhan mong nagawa.

Panay ang iyak ko habang nakikita ko siyang naluluha din matapos niyang isuot ang singsing sa kamay ng lalaking mahal niya ngayon.

Nang hindi ko na kaya ay sumakay na ako sa sasakyan ko at mabilis itong pinaandar.

Nakapagpasya na akong hahayaan ko na sila ngunit kahit na saglit ay gusto kong makita ang mga anak ko.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon