(Sarah)
"Mommy look oh" turo sa akin ng anak kong babae "ang daming butterflies" nandito kasi kami sa isang park para ipasyal namin ang kambal.
"My princess anong gusto n'yo?" tanong ng ama nilang walang ibang ginawa kundi ang kunsintihin sila sa lahat ng gusto nila.
"Babe baka kung ano na naman ang mga kalokohang gagawin mo sa kanila" wika ko pero tinawanan lang ako ng tatlo.
"Mommy, daddy is just doing what we love to do" saad ni Khobie kaya inirapan ko si Dash. Simula kasi nang makilala nila ang daddy nila na-spoiled na sila. Lahat kasi ng mgay ayaw kong ipagawa sa kanila ay ginagawa ni Dash.
"Look oh" tinuro ako ng magaling nilang ama "magagali na si mommy kay daddy. Lagot kayo baka hindi na kayo magkaroon ng kapatid" talagang nakakainis 'tong lalaking to.
"Don't worry daddy! We will kiss mommy para magkaroon na kami ng mga bagong kapatid" saad ni Keshia sabay takbo sa akin para bigyan ako ng halik.
"Mommy new babies please!" nang tinignan ko si Dash matapos sabihin 'yon ni Khobie ay tawa nang tawa kaya binato ko siya ng biscuit na hawak ko.
"Ano bang itinuturo mo sa mga anak mo babe ha?"
"Wala" maang-maangan pa siya pero kung makatawa wagas.
Ilang minute ang lumipas ay umalis si Dash para bumili daw ng pagkain namin. Naiwan kami ng mga anak namin kaya naglalakad lakad kami para maigala ko sila.
Bigla namang may humintong sasakyan sa harap namin at agad kaming isinakay sa sasakyan nila.
"Mga tarantado kayo! Anong gagawin n'yo sa'min ng anak ko?" singhal ko pero tinitigan kami ng masama.
"Sa'yo wala kaming gagawin, pero sa magaling mong ex-husband meron" wika noong isa kaya napasigaw ko
"Ano bang problema n'yo ha? Anong kasalanan sa inyo ni Dash?" ngunit sa halip na sagutin nila ako ay tinakpan nila ang ilong ko ng panyo na agad namang naging dahilan ng pagkawalan ko ng malay.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)
Fiksi Penggemar- Have you ever been in love? Have you ever experienced to choose between your family and your love? This story is RATED SPG!