CHAPTER 27

11.3K 164 1
                                    

(Dash)

Nang makarating ako sa Pilipinas ay agad akong pumunta sa Cebu kung nasaan ang pamilya ko. Alam kong pagkakataon ko na to para maibalik sila sa akin.

Nang makita niya ako ay alam kong hindi niya ako mapapatawad agad, kaya nang sinabi kong hindi ako aalis sa harapan ng bahay nila ay talagang hindi ako umalis sa harap ng gate nila.

Naramdaman ko ang lamig sa bawat pagpatak ng ulan sa katawan ko ngunit hindi ko iyon ininda basta kausapin lang ako ng babe ko.

Nang hinang hina na ako ay tumulo nalang ang luha ko. "Lord kung ito ang kabayaran sa lahat ng paghihirap ko gagawin ko basta mapatawad lang ako ng asawa ko." 'Yon lang ang nasabi ko saka tuluyang ipinikit ang mata.

"Daddy" rinig kong boses ng mga bata kaya kahit na hinang-hina na ako ay pilit kong ibinuka ang mga mata ko. Nang makita kong katabi ko ang mga anak ko ay mabilis ko silang niyakap.

"Are you sick daddy?" tanong sa akin ng anak kong babae kaya umiling ako "Daddy is not sick baby, especially nasa tabi ko na kayo!" hinalikan ko ang dalawa kong kasabay ng pagpatak ng luha ko. Kung hindi lang talaga ako naging tanga sa desisyon ko noon baka naalagaan ko sila hanggang sa paglaki nila.

Nakita ko namang nakatingin sa amin ang babe ko na nasa pinto. Panay ang patak ng luha niya kaya tinawag ko siya "Babe?" ngunit hindi niya ako pinansin ngunit nag-iwan siya ng salita "Ikaw ang daddy nila kaya papayagan kitang makasama sila, pero hindi mo na maibabalik ang dating tayo" lumabas naman siya matapos niyang sabihin 'yon. Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon sa pagpapatawad niya kaya gagawin ko ang lahat para maipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon