(Sarah)
"Babe gising!" bulong ko kay Dash nang dalhin siya dito kasama ni Keshia na walang malay.
"Babe gising! Dash! Babe gising na para makatakas tayo" bulong ko ulit sabay yugyog sa kanya gamit ang nook o dahil nakatali kaming apat,
Nang nakita kong iminulat niya ang mata niya ay nasiyahan ako.
"Babe nasan tayo?" tanong niya
"Kinidnap tayo babe ng dating kasintahan ni Jasmine. Sinisisi ka niya sa pagkamatay ng anak nila, pati na ang pagkamatay ng nanay ni Jasmine at ang paghiwalay nito sa kanya" wika ko pero pansin kong pumatak ang luha niya.
"Babe sorry dahil sa akin ay napapahamak kayo ng mga anak ko!" kahit ako ay naiyak na sa sinabi niya pero umling ako.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari babe" giit ko "kung hindi k asana nila ginamit hindi mangyayari 'to"
"May part pa rin sa akin babe na sinisisi ko ang sarili ko dahil kung naging matapang lang ako ay hindi sana 'to mangyayari' giit niya ulit
"Dash, Sarah kumusta kayo? Bilisan natin at kakalagan ko kayo para maitakas n'yo na ang mga bata pati na kayo" sabi sa amin ni Dexter nang makalapit siya sa amin.
Nang makalagan niya kami ay hindi namin inaasahan ang pumasok
"Akala n'yo makakatakas kayo porket naubos n'yo na ang tauhan ko?" sabi ng lalaking puno ng tattoo kanina
"Please lang Tony itigil mo na 'tong kahibangan mo!" sigaw ni Dash kaya napayakap ako sa kanila.
(Dash)
"Please lang Tony itigil mo na 'tong kahibangan mo!" sigaw ko kay Tony saka ako niyakap kami niyakap ng babe ko. Ang mga bata naman ay wala pa ring malay.
"Anong ititigil? Gago ka ba? Ikaw ibaba mo 'yang baril mo kung hindi papatayin ko kayong lahat dahil may nakakabit na bomba diyan sa tabi n'yo" bigla akong nakaramdam ng matinding takot nang sabihin niya 'yon.
"Hahahahahaha ang bilis mo talagang maloko Wilson no?" sa sobrang galit ko ay nasigawan ko na siya ng matindi
"Tarantado ka Tony. Siguro talagang nawala lahat sa'yo dahil sa masama mong ugali" bigla naman niyang itinutok ang baril sa amin kaya niyakap ko ang pamilya ko. Noong pinutok niya ito ang inaasahan ko ay tatamaan ako ngunit iba ang nangyari.
"Jasmine?" nang tinignan ko kung sino ang tinamaan ay nakita kong nakahandusay sa sahig si Jasmine na umiiyak.
"Sorry Dash!" 'yon lang ang narinig ko sa kanya ngunit sa galit ni Tony ay pianputok niya ang baril niya at ramdam kong tinamaan ako sa balikat.
"Sorry babe at mahal na mahal kita" sabi ko sabay pikit ng mata ko.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)
Fanfic- Have you ever been in love? Have you ever experienced to choose between your family and your love? This story is RATED SPG!