(Sarah)
Dahil sa inis ko kahapon sa pagiging late ni Dash ay hindi ko siya pinapansin ngayong araw kaya lagi siyang nakabuntot sa akin.
"Babe sorry na kung na-late ulit ako kahapon please! May inasikaso lang kasi ako!" lambing niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin dahil nalaman kong wala naman pala siyang meeting.
"Mayroon ako ngayon Dash kaya wag kang makulit!" singhal ko sa kanya kaya narinig ko siyang bumulong
"Ano ba 'yan! Sayang ang honeymoon bukas!"
"Anong binubulong bulong mo diyan?"
"Wala babe! Bati na tayo please para makuha ko na ang kiss ko!" kiss pa talaga ng iniisip niya.
"Kiss mo 'yang mukha mo!" singhal ko ulit sa kanya kaya sumimangot siya. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang sumunod na sinabi niya.
"Sige maghahanap nalang ako ng ikikiss ko at papaligayahin ko" dahil nagpanting ang tenga ko, mabilis akong kumuha ng kutsilyo sa kusina. Nang bumalik ako sa kung saan siya nakaupo ay nakita kong may takot sa mukha niya.
"Anong gagawin mo sa kutsilyo babe?" puputulin ko 'yan.
"Anong 'yong sabi mo kaninang maghahanap ka nang ikikiss at papaligayahin mo?" sigaw ko dahil galit ako sa sinabi niya.
"Wala babe! Joke lang 'yon!" saad niya pero hawak niya ang parte kung nasaan ang manoy nya.
"Eh kung putulin ko 'yan para makita mo ang sinasabi mo?" sigaw ko ulit kaya bigla siyang tumayo at mabilis na lumabas sa unit ko. May takot din palang mawala ang manoy ng kumag na 'yon!
(Dash)
Napatakbo ako dahil sa takot kong putulin ng babe ko ang kaligayahan ko. Alam kong hindi niya gagawin 'yon pero natatakot pa rin ako. Nakakainis kasi ang kumag na Dexter na 'yon. Sinabi niyang wala akong meeting kahapon kay babe ko kaya wala akong lusot nang sinabi kong late ako dahil sa meeting. Gusto ko siyang batukan pero hindi ko magawa dahil Malaki ang maitutulong niya sa plano ko bukas.
Speaking of gago, ito tumatawag ang mokong.
"Hello. Siguraduhin mo lang na good news 'yang sasabihin mo kundi sasamain ka sa akin"
"Good news to dre! Hahahahaha!" tumatawa pa ang mokong.
"Sabihin mo na gago!"
"Ah gago pala ah! Bahala ...."
"20 thousand! Sabihin mo lang" sa kaibigan ko ito ang pinakagago sa lahat. Ang dami na nitong kotong sa akin.
"Sige na nga!" kunwaring napalitan pa ang mokong "Sasabihin ko lang na handa na ng lahat para bukas!"
"Siguraduhin mong maayos yan Dexter!"
"Oo naman dre! I love you!"
"Gago!" sabay baba ko ng phone ko. This is it!
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)
Fanfic- Have you ever been in love? Have you ever experienced to choose between your family and your love? This story is RATED SPG!