CHAPTER 37

11.6K 143 0
                                    

(Sarah)

"Ready for our second wedding babe?" tanong sa akin ni Dash. Oo, ngayon ang araw kung saan ay napagpasyahan naming magpakasal ulit matapos ang higit tatlong taon na paghihiwalay namin.

"I'm always ready" sagot ko naman kaya lumapad ang ngiti niya.

"May naisip kana bang bagong gawin sa akin sa honeymoon natin mamaya?" tanong niya ulit kaya hinampas ko siya.

"Tama na 'yang lambingan na 'yan para makakain na kami" rinig naming sigaw ni Dexter kaya natawa kami. Matakaw talaga siya pero hindi halata dahil todo work out siya para daw hindi siya maging baboy tulad ng kuya Tom ko.

"Tumigil ka nga diyan sa kangangawa mo Dexter palibhasa ang takaw mo" si kuya Tom ko naman ang nagsilita this time.

"Di bale nang matakaw at least macho. Hindi tulad mong baboy!" natawa ang lahat sa sinabing 'yon ni Dexter.

Hinihintay kasi naming dumating ang magkakasal sa amin ni Dash dahil tito niya ito. Pinili naming dito nalang magpakasal sa Cebu at isa itong simpleng salo-salo lamang. Ang mahalaga kasi sa amin ni Dash ay ang makasal kami at mailipat na daw sa apelyido niya ang mga anak namin. Para daw kasi siyang hindi daddy ng kambal 'pag hindi nila magagamit ang apelyido niya.

"Oh nariyan na pala si tito. Maghanda na kayo!" saad ng pinsan ni Dash kaya umayos na kami ni Dash.

"Sa wakas magiging Mrs. Wilson ka ulit babe!" natutuwang wika ni Dash sabay halik sa akin kaya nagreklamo na naman si Dexter.

"Mamaya n'yo na ituloy 'yang ginagawa n'yo dahil talagang gutom na kami" binatukan naman siya ng kuya ko kaya natatawang tumahimik.

Nang tuluyang dumating ang tito ni Dash ay agad niyang inumpisahan ang kasal namin.

........................................

"You may now kiss the bride" matapos ang ilang minute ay natapos din ang kasal namin. Ginawaran naman ako ni Dash ng isang malalim na halik kaya sumigaw ulit si Dexter.

"Tama na 'yan at kumain na tayo" this time si Dash ang lumapit sa kanya at binatukan ng malakas.

"Patay gutom!" sabi ni Dash kaya tawang-tawa si dexter kahit na binatukan na siya.

Kumain naman kami nang matapos ang kasal. Hindi bongga ang handaan ngunit masaya pa rin kami at least ikinasal na ulit kami ni Dash.

"Mommy and Daddy we want a new baby" sigaw ng kambal namin kaya nagtawanan ang lahat ng relatives naming dalawa ni Dash.

"Oh paano ba 'yan babe, new baby daw?" bulong naman sa akin ng asawa ko kaya kinurot ko siya ng mabuti dahi panay halik niya sa leeg ko kahit na narito pa ang mga bisita namin.

"Tumigil ka kung hindi walang mangyayaring honeymoon mamaya" pananakot ko sa kanya kaya pansin kong umayos siya agad ng upo.

Napangiti naman ako habang nakita ko sa mukha niya ang pagkabigo matapos kong sabihin ang sinabi ko kanina.

POSSESSIVE JERK SERIES 1 : DASH AND SARAH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon