Stacey POV
Dalawang linggo na akong nakahiga lang sa kama habang umiiyak.Yes.I'm stupid when it comes to love.I love him.Nagmahal lang ako pero bakit ako pa rin ang nasaktan sa huli?Oo nga pala.Sa tingin ko,ito na ang karma ko sa lahat ng ginawa ko noon kila Jiro,Errol,Amanda at Chelsea.I bitterly smiled.Pero dapat lang 'yun sa kanila kasi sinaktan,pinaglaruan at niloko nila ako.
*knock knock*
Lumapit ako sa pinto.Binuksan ko ito.It's Donghae-oppa and he bring me some food and blood in a wine glass.Pumasok na siya.Umupo ako sa kama.Inihain niya ang tray na may pagkain sa harap ko.Umupo rin siya sa kama.
"Stacey,kumain ka muna." I shook my head.He sighed.
"Stacey,magagalit sa amin ang mga magulang mo kapag nalaman nilang hindi ka kumakain.Baka ang isipin nila,hindi ka namin pinapakain.Please?Help yourself first." Tumayo siya para umalis.
"Iiwan ko dito ang pagkain mo kasi magt-training ako.Pagbalik ko,dapat ubos na 'yan.Arasso?" Hindi ako sumagot.Lumabas na siya.
"Mukhang problemado ka,Prinsesa Stacey.Maaari mo bang sabihin sa akin?Handa akong makinig." It's Phoenix.
"Sabihin mo...Ikaw ba...Naranasan mo na rin bang magmahal at masaktan?"
"Oo.Matagal na panahon na ang lumipas.Noong ako'y isang mortal pa." Noong isang mortal pa siya?Paano---
"Magkasing-edad lang tayo noong ako'y umibig sa isang babae na nagngangalang Corazon.Masaya kami pareho,mahal namin ang isa't isa subalit...Pag-uwi ko sa maliit na bayan kung saan ako nakatira...Hindi ko na alam ang nangyari sa akin.Pagmulat ng aking mga mata...Nakagapos na ako sa isang kawayan,nakapaligid sa mga mortal noon.May hawak-hawak sila na mga kahoy na nababalutan ng apoy at...Ibinato nila ito sa akin na may kasamang galit.Isa sa kanila ang babaeng nagpatibok ng aking puso pero siya rin pala ang wawasak nito.Tumatawa siya na parang isang demonyo.Para siyang nasisiyahan sa kanyang nasaksihan.Pinagtaksilan at sinunog niya ako na parang isang walang kwentang bagay.Hindi ko alam kung anong dahilan at bakit sila ay galit sa akin.Wala akong magawa.Kundi...Tanggapin ko na lang ang aking kapalaran." Kaya pala...Habang nagk-kuwento siya,halata sa kanyang boses ang galit.Naaawa ako sa kanya dahil sa brutal na pagkamatay niya.
"Paano ka naging isang Phoenix?"
"Nagsimula akong maging isang Phoenix nang may nagtungo sa aming bayan.Buong akala ng nakararami,ako ay pumanaw subalit nagkamali sila.Hindi nila kayang patahimikin ang aking kaluluwa.Nakita nila ang aking abo kung saan ako sinunog ng mga mortal.Pagkalipas ng ika-labingwalong gabi,nagsagawa sila ng isang ritwal para muli akong buhayin.Kasama sa nagsagawa ng ritwal ay ang inyong mga ninuno at isa sa mga nagsagawa ng ritwal ay walang iba kundi ang iyong lolo't lola." Natulala ako sa nalaman ko.Sina lolo't lola ang nagsagawa ng ritwal para mabuhay ang Phoenix?
"Noong nabuhay ako bilang Phoenix at nang makita ko ang aking sarili sa tubig,nagulat at natakot ako sa aking sarili.Lahat sila,tumakbo dahil sa takot.Maliban sa iyong lolo't lola at doon na ako sumanib sa iyong lola dahil iyon ang kanyang kagustuhan." Kagustuhan 'yon ni lola?!Ngayong alam ko na kung bakit siya sumanib sa lola ko at kung bakit ipinasa sa akin ni lola ang kapangyarihan ng Phoenix.
BINABASA MO ANG
Awakening Of The Vampire Prince (OMIAVP BOOK 2)
FanfictionSa muling paggising ng Light Vampire Prince,mapipigilan kaya niya ang paghahasik ng lagim ng kanyang mga kalaban?Magtatagumpay kaya siya?Sundan ulit ang pakikipaglaban nila sa mga masasamang bampira hanggang sa katapusan. #748 in Wattys2019 Date: Au...