XII.

1.2K 43 0
                                    

Nakaramdam ako ng pagsisisi. Hindi ko rin alam bakit ako sumunod pero nang sinundo ako ni Marga sa baba at pumasok na kami sa unit ni Simon (boyfriend niya), naramdaman ko agad na parang hindi ako welcome. Hindi ko nga rin alam pero kaibigan ko rin naman ang mga nandito.

Si Marga, sis ko. Mayro'n ako'ng sinalihan sa med school na sorority tapos mga brods ko sina Darren at Simon dahil fraternity nila ang counterpart namin. Tapos may kasama sila, sina Darius tsaka Carmelo na brods ko rin. Pati si Cronos. So, okay naman dapat.

Pero... iba talaga, eh. Parang ayaw nila na nandito ako. Exception si Marga syempre dahil siya nga nag-aya sa akin at sabi niya naman na okay lang din kay Simon.

Hello!

Ang saya-saya ko pang bumati at ang mahal ng alak na dala ko tapos ang maririnig ko sa bibig ng hayop na si Cronos, 'Uwian na'? Gago! Akala niya siguro hindi ko narinig!

Sa totoo lang, hindi ko nga rin alam bakit sinasayang ko ang oras ko sa kanya kahit lagi namang sumasama loob ko sa mga ginagawa niya sa akin. Ang kaso, gusto ko kasi talaga siya.

Kahit tinawag niya akong creepy noon kasi akala niya sinusundan ko siya.

Sissy, okay lang ba talaga na nandito ako?

Oo naman, Hera. Bakit?

Eh, para kasing ayaw naman ni Cronos.

Hayaan mo na. Hindi naman siya may-ari ng apartment. Basta okay kay Simon, wala nang problema 'yon.

Yosi nga muna tayo.

Ibinaba ko na ang alak na dala ko bago kami lumabas sa maliit na balcony ng apartment ni Simon. Syempre, nagtanong agad si Marga sa nangyari sa amin ng stranger. Hindi ko talaga siya matawag sa pangalan niya kasi pakiramdam ko hindi naman totoo.

Magaling siya, sissy.

Nilabasan ka?

Tang ina, ang baboy mo!

Sabay kaming tumawa. Ayaw kong aminin kay Marga na hindi ako natapos kaya hindi ko na lang sinagot. Tinignan niya pa ang kiss mark ko sa leeg. Natatakpan naman ng collar ng damit na suot ko pero syempre, medyo ibinaba ko 'yon para makita ni Cronos nang bumalik na kami sa loob.

Nagsimula nang umikot sa amin ang shot glass. Tagay nang tagay si Cronos sa akin, parang gusto niya akong malasing tapos mamatay na lang sa sulok. Medyo hindi na maganda pakiramdam ko kasi nga uminom na ako kanina pero hindi ko naman matanggihan.

Sina Marga at Simon lang ang kumakausap sa akin. Kakausapin lang ako ni Cronos 'pag aabutan ng alak. Kaya ilang minuto lang, sumusuka na ako sa banyo kasama si Marga.

Tang ina, sis! H-hindi... ko.. na.. kaya.

Dito ka sumuka sa toilet bowl, sissy!

Puta! Nahulog 'yong sink!

Sumusuka ako at tumatawa in between kasi natanggal ang sink sa pader. Sabi ni Marga, sira na raw talaga 'yon so hawak niya 'yong sink sa isang kamay habang hawak ang buhok ko sa isa para hindi malagyan ng suka.

Uuwi na ako. Book mo na ako.

Ipapahatid na kita kay Cronos. May dala naman siyang sasakyan.

Hindi naman ako ihahatid nun.

Magagalit ako sa kanila 'pag hindi!

Sige. Pero 'wag mo ipilit kung ayaw.

Ayaw kong maging desperada. Desperada na nga ako sa paningin ni Cronos dahil alam ko naman, wala siyang ibang inisip kung hindi mukha akong tanga kakasunod sa kanya at papansin. So ang ending, umuwi pa rin ako mag-isa (kahit nagpupumilit si Marga na ihahatid nila ako ni Simon).

Naiiyak ako pero masyado akong lasing kaya nauna 'yong antok. Pero sa isip ko, hinayaan akong umuwi ni Cronos mag-isa. Pinabayaan niya ako. Ibig sabihin lang nito, wala talaga siyang pakialam sa akin.

Kaya nang magising ako sa unit namin ni Yvanna kinabukasan, umiyak ako. Para sa sarili kong umuwi mag-isa ng lasing (lunuk-lunok ang pride kong hindi ko na nakuha sa laylayan ever since) tsaka para sa stranger na sinayang ko.

Ang tanga-tanga ko talaga.

Masters of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon