IX.

1.5K 50 5
                                    

Inayos ko ang buhok ko bago ako tumuloy sa labas ng simbahan. Ang ganda ko ngayon, oo, proud ako. Minsan na lang kasi ako nakakapag-ayos ng sarili. Sa sobrang busy ko sa medicine school, may oras pa ba akong ayusin ang sarili ko? Buti na lang, may ganda pa rin naman ako'ng taglay kahit wala ako'ng kolorete sa mukha. Mas maganda nga lang ako kapag mayro'n (sabi rin ni Yvanna).

Syempre, aayusin ko ang sarili ko ngayon. Dapat sa mga ganitong meetups, palaban ang mamshie niyo. Kahit ba gagawa lang kami ng makamundong kasalanan, dapat maganda pa rin.

Kaya nga poised na poised ako'ng naglakad, hinahanap ko ang estranghero na didiligan ang tuyot kong buhay. Ikaw ba naman ang nasa posisyon ko at magpakagaga sa pag-a-aral (utang na loob, pumapalya pa nga ako minsan sa acads). Pero 'yon na nga, sa wakas naman! Halos isigaw ko na sa Espanya na tang ina, titikim ako ngayong gabi at walang makakapigil!

Ito na nga, medyo iritado na ako dahil wala naman siya sa labas ng simbahan. Naisip ko na sumilip sa loob at nakita ko siya sa may mga kandila. Alam kong siya 'yon kasi sinabi niya sa akin kung ano'ng suot niya. And he's pretty tall in person. Syempre, bilang hindi ko alam ang gagawin dahil first time ko, bigla na lang akong pumasok tapos hinila ko siya palabas.

Pakiramdam ko nga, wirdo ang tingin niya sa akin. Nakakatitig lang kasi siya habang nasa labas kami. Ako na lang ang nauna na mag-salita. Para kasing naging pipi siya? Hindi ko masisi. Ang ganda ko naman kasi.

Sorry, bigla akong sumulpot.

It's fine.

Ngumiti siya. Natigilan ako. Ang gwapo niya lalo sa personal. Utang na loob! Ayaw ko na ngang lumabas, gusto ko na lang pumunta sa unit namin at gagawa na lang ako ng milagro kasama ang isang 'to.

Hello! Sky.

Uh, actually Juno is not my real name. It's Hera.

Pormal siyang tao kaya nagpakilala ulit kami. Sinabi ko sa kanya ang totoo kong pangalan dahil fake name lang naman talaga ang Juno. Pokpok name (according to Yvanna because she coined that term. Gusto ko lang talaga ng code name para less complicated). Feeling ko, fake name rin ang Sky pero hindi na ako nagtanong.

Hookup nga lang, eh. Ibig sabihin, ayaw niya ng attachments. Tsaka, mukhang hindi rin naman siya nakinig no'ng sinabi ko na Hera talaga ang tama kong pangalan.

So, where do you wanna go? I brought my car with me. It's in the carpark.

The malls will be closing in a while na rin. We won't make it. How about Tomas Morato? Let's just drink. Did you have dinner na ba?

Nakakaloka! Ubos na ubos na ang ingles ko. Mga Athenean, puro talaga conyo! Syempre, palaban ako kaya sinasabayan ko siya. Kahit hindi naman talaga kami maarte magsalita ng mga kaibigan ko rito sa SU, panay ang inarte ko rito sa isa.

I did. I tried waiting for you, but I got hungry. Sorry.

It's fine. I already ate na rin naman before going here.

That's good then. So, Tomas?

I know a KTV place. We can book a room and...

And?

Sing?

Napangiti siya. Nagpanggap ako'ng inosente but I bet he knew that I was suggesting other things to do. Hindi ako santa, pasensya na. Para sa birhen kong pisikal, masyado ako'ng makamundo mag-isip.

Okay lang naman daw 'yon. Sabi sa field ko, it's a carnal need. Pangangailangan. At lahat ng pangangailangan, kailangang punuan.

Let's do that, then.

Masters of WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon